JAS Maaga akong gumising para maaga ako sa klase. Ewan ko pero sa tingin ko may magandang mangyayari sa araw na 'to. Wala lang naman, sabi lang ng instincts ko, pero hindi naman ako sigurado. Pagbaba ko, may natanggap akong text. From: Ron-Ron ko Jah-Jah ko, sorry hindi kita masusundo ngayon. May importante kasi akong gagawin :( To: Ron-Ron ko Oh sige, kita na lang tayo sa school! After niyon, hindi na siya nag-reply pa. Nakakalungkot naman! Ito ang unang beses na hindi niya ako sinundo dahil nga raw busy siya. Kailangan ko naman intindihin dahil tulad niya, busy rin ako sa schoolworks. Isang bagay na hindi ko alam na babalikan ko. "Good morning. Aga-aga nakabusangot ka riyan," sabi ni mama sa 'kin. Naupo na rin ako at sumabay sa kaniyang kumain. "Good morning din, wala naman po
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books