Nanlalaki ang mga mata ni Emma habang nakatingin kay Xenon na nakangiti lang sakanya. 'It means... you're only mine, my love' "Ha?" wala siyang masabi. Nakita niya naman ang pagiling nito habang ngumingiti. Bahagya pa siyang napasinghap nang ipinatong nito ang isa nitong kamay sa kanyang ulo tsaka ito ginulo-gulo. "Don't get it wrong, it only means that you're only mine until you give birth of my child and about 'my love' thingy is just a call sign. I'm used to give my girls' sweet names. I don't love you and I will never love you so no worries." Hindi niya alam kung dapat ba ay maging masaya siya o malungkot siya dahil nakumpirma niya ng hinding-hindi ito magkakagusto sakanya. Pilit naman siyang ngumiti tsaka umiwas ng tingin dito at tinanggal ang kamay nitong nakahawak parin sa bu