Chapter 1
"You have a coronary heart disease and it's getting worst Ms. Faulkner." naluha siya sa sinabi ng doctor sa kanya. "Although CHD cannot be cured, pwede ka namang mag-undergo ng surgery." agad siyang umiling tsaka pinunasan ang kanyang mga luha sa kanyang mukha.
"Thankyou doc..." nginitian niya ito ngunit hindi umabot ang kanyang ngiti sa kanyang mata. She's pretending to be fine,even if she's not. Gumanti naman ng ngiti ang doctor sakanya ngunit kita ang awa sa mukha nito.
Pagkalabas niya ng hospital ay binasa niya ang nakasulat sa kanyang medical record. Napangiti siya ng mapakla habang nanggigilid ang kanyang mga luha.
2 years....
Talagang may taning na ang kanyang buhay. She wiped her tears tsaka naglakad patungo sa may bench sa labas ng hospital. She admits it, natatakot siya. She's afraid to die but if it's really her time to go then she'll go.
She doesn't need surgery... She also doesn't have enough money to support her medical needs.
Wala naman ding mangyayari kahit magtagal pa ang buhay niya dito sa mundong ibabaw. She doesn't have family anymore, nalaman niyang hindi pala siya tunay na anak ng kanyang mga tinuring na magulang. They found their real heiress kaya't naitsapwera na siya.
Habang naglalakad sa plaza ay biglang nagring ang kanyang cellphone, nang kanya itong tignan ay nakita niya ang pangalan ng kanyang bestfriend na si Maureen. She cleared her throat and inhaled deeply tsaka niya sinagot ang tawag.
"Hello besty!" masiglang bati niya. "Emma... pwede ka bang pumunta dito sa bahay ni Leo? Wala kasi akong kasama at hinahanap ka rin ni Leandre." napangiti naman siya nang marinig ang pangalan ng anak nito na si Leandre.
Tinuturing niya na kasi itong sarili niyang anak at napalapit na ito sa kanya ng husto dahil siya ang laging napapagiwanan ni Maureen kay Leandre dahil nagt-trabaho ito.
Bigla naman siyang napaisip.
How would it feel to have my own child?
Agad siyang napailing.
Gaga ka, wala ka ngang boyfriend may pa own child, own child ka pang nalalaman! Tsaka, isa pa mamamatay ka naman din.
"Hello emma?" natigil naman ang kanyang pagiisip nang muling nagsalita si Maureen sa kabilang linya. "O-oo, papunta na ako jan actually." "Sige, hihintayin ka namin, magingat ka. bye!" then the line ended.
She heaved out a deep sigh tsaka pumikit ng mariin.
You only live once Emma, dalawang taon nalang ang natitira para mabuhay ka. You should live it to the fullest.
---
"Tita Em-em!" agad naman niyang sinalubong ang yakap ng bata. Kahit napapagod na siya ay hindi niya pinahalata. Agad niyang ibinaba ang bata sa pagkarga dahil medyo mabigat na ito at nahihirapan na siyang huminga. "Tita play tayo?" Patay "Ah.. hindi lang muna baby, pagod si tita e." kita niya naman ang paglungkot ng mukha nito. "Sorry, babawi lang si tita okay?" agad namang sumigla ang mukha nito tsaka ngumiti kaya't hindi niya na napigilan na yakapin ito.
"Oh Emma. Nariyan ka na pala." napalingon naman siya sa kanyang kaibigan na si Maureen na nagtatanggal ng apron tsaka lumapit sakanya. "Kumusta ka na?" eto may taning na ang buhay. gusto niya itong sabihin sa kaibigan ngunit hindi niya tinuloy. "Okay lang, single parin ang bruha." nagtawanan naman silang dalawa--siguro si Maureen lang dahil peke naman ang kanyang pagtawa.
"Ikaw? Kumusta na kayo ni fafa Leo? nag jugjugan na ba?" hinampas naman siya nito sa braso.
"M-manahimik ka nga!" sigaw nito sa kanya. Ito ang maganda kay Maureen e, masyadong mahiyain kaya't masarap asarin. Habang naguusap sila ay sakto naman na dumating si Leo na naka-corporate attire. Shet pogi.
"L-leo, si Emma pala bestfriend ko. Emma, s-si Leo--a-asawa ko." napailing naman siya habang ngumingiti. "Goodmorning Mr. Villiarde, nice to meet you." agad naman siyang nakipagkamay dito. "Nice to meet you too." pagkatapos nitong makipagkamay sakanya ay linapitan nito ang kanyang bestfriend tsaka hinalikan sa labi.
"E-emma, sabay ka na samin mag lunch." agad naman siyang umiling. Ayaw niyang maka distorbo sa mga ito. "Nakakain na ako. Aalis na din ako kasi kailangan ko pang magpahinga." Kita niya naman ang pagkabigo sa mukha ni Maureen, binigyan niya nalang ito ng apologetic look.
Agad naman siyang nagpaalam sakanila tsaka sumakay ng tricy pauwi. Ngunit imbes sa bahay ang kanyang pupuntahan ay sa isang bar siya napatigil. "Manong para."
Never pa siyang nakapasok sa isang bar at never pa siyang nakainom ng alchoholic drinks. Starting from this day, gagawin niya na ang mga bagay na hindi niya pa nagawa.
---
Nasa bar sla Xenon at ang kanyang mga barkada upang i-celebrate ang birthday ng isa nilang kaibigan na si Sebastian Rovloski.
Lasing na ang kanyang ibang mga kaibigan habang siya'y gising na gising parin. Paano ba nama'y 'di siya uminom.
He's not a drinker. Mas gugustuhin niya pang i-entertain ang mga babaeng lumalandi sa kanya kesa uminom siya ng alak. And talking about girls... may dalawang babae ang nakakapit sa kanyang braso tsaka hinahaplos-haplos ang kanyang dibdib.
Ewan niya ba ngunit kahit gaano ka-sexy tong mga to ay hindi siya nat-turn on. Hindi siya tinitigasan! "Honey, wanna have some fun?" tanong ng isang babae sa kanyang kanan ngunit hindi niya ito pinansin, nginitian niya lang ito.
Damn it, sana mapansin nilang wala akong gana sa kanila. "We can give you a mind blowing s*x babe." palihim siyang napairap sa sinasabi sakanya ng mga babaeng ito. Ni hindi nga ako tinitigasan sa inyo kahit kulang nalang ay lumuwa na yang dibdib ninyo sa mga suot niyong damit.
He loves girls pero wala talaga siyang gana ngayon. Idagdag pang iniipit siya ngayon ng kanyang mga magulang na magka-asawa para lang makuha ang kanyang mana. Damn it! Ayaw niyang magpatali!
"No wife, no inheritance... pero maaaring gawan ng paraan, bigyan mo kami ng apo." naikuyom niya ang kanyang kamay nang muli niyang maalala ang sinabi ng kanyang ina sa kanya. Pareho lang yun e!
Girls won't allow you to impregnate them kung hindi mo sila mahal! Kung papayag man silang magpabuntis, siguradong may kapalit iyon at yun ang pagpapakasal!
He knows them, kilalang-kilala niya na ang mga ugali ng mga babae.
Naputol ang kanyang pagiisip nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang babae na naka jeans at white shirt na nakaupo sa bar counter. Agad siyang kumalas sa pagkakakapit sa kanya ng dalawang babae tsaka tumayo at linapitan ang babaeng nasa counter.
Umupo siya sa tabi nito tsaka ito pinagmasdan. Nakapikit na ang talukap nito sa mata habang may hawak na baso ng alak. "What did she drink?" tanong niya sa bartender.
"Nakakadalawang bote na siya ng bloody mary sir." napangiwi naman siya tsaka muling sinulyapan ang babaeng natutulog na.
Hindi niya alam kung bakit siya nakikialam ngayon, normally pag may nakikita siyang babaeng naglalasing ay pababayaan niya lang. Nat-turn off siya sa babaeng palainom. Pero bakit dito sa babaeng 'to, iba ang nararamdaman niya?
Ipinilig niya ang kanyang ulo tsaka akmang kukunin na ang baso sa kamay ng babae ngunit napasinghap siya nang bigla itong nagbukas ng mata tsaka siya mataman na tinignan. "What do you think you're doing?" tanong nito sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
He felt his d*ck jerked inside his pants when he heard her spoke for the first time. Damn it! Paano kaya siya umungol?
"You're drunk miss." humarap naman ito sakanya tsaka ngumiti ng pagkatamis-tamis kahit malamlam na ang mga mata.
He doesn't know why but he felt this sudden urge of kissing her so he did.
He leaned and reached for her mouth. He was kissing her hungrily when he came back to his senses. Stupid bastard! The girl is drunk stop it! Agad siyang kumalas ng halik tsaka umiwas ng tingin habang kagat-kagat ang kanyang labi.
Bahagya niyang sinulyapan ang babae na hawak-hawak lang ang labi nito habang nakatulala. He gasped when their gazes met. F*ck ! why am I acting this way?!
Aalis pa sana siya sa lugar na iyon nang biglang nagsalita ang babae. "Isa pa..." Nang kanya itong liningon ay nakatingin lang ito sakanya. "Kiss me please..." naiyukom niya ang kanyang mga palad tsaka linapitan ang babae at siniil ito ng halik. Hindi siya tumatanggi sa grasya!
Mas lalo siyang ginanahan nang gumanti ito ng halik. Damn it, her lips is so addictive! He wants her now. Kumalas siya sa halik tsaka ito tinignan sa mata.
"Let's get out of here agapi mou..." agad naman itong tumango.