NANGINGINIG ang mga kamay ni Emma habang umiinom ng tubig, bigla kasi siyang nagkakumplikasyon sa paghinga nitong mga nakalipas na araw at nanakit ang kanyang dibdib. Magdadalawang buwan na siyang nasa hospital dahil hindi siya pinayagan ng kanyang doctor na umuwi. Kailangan daw muna niyang magpahinga.
Ayaw niya sanang sundin ito dahil sa expenses sa hospital pag mags-stay siya ngunit naginsist ito. Sinabi sakanya ng kanyang doctor na wala siyang ibang babayarin maliban sa mga gamot niya.
Bored niyang tinignan ang mga kanyang sarili sa maliit na salamin. Totoo nga talagang pumapayat na siya. Napalingon naman siya sa pintuan nang may pumasok doon. "Pwede ka ng madischarge miss Faulkner. Bilhin niyo nalang daw po sa pharmacy ang mga inireseta sa inyo ni Doc. Sinabi niya ding wag kang masyadong magpagod and eat healthy foods." napangiti naman siya sa sinabi ng nurse sa kanya.
"Salamat ah?" ngumiti naman ito sa kanya pabalik. Inaayos nito ang kanyang mga gamot nang may bigla siyang naisip na tanungin dito.
"Ano'ng pangalan mo?" saglit siya nitong tinapunan ng tingin habang nakangiti.
"Elyn Fatalla. Nice to know you Miss Faulkner." tangi lang nitong sagot habang nakangiti. Ilang sandali pa ay natapos na ito sa pagaayos ng kanyang mga medisina kaya't nauna na itong umalis. Agad naman niyang tinungo ang c.r ng kanyang kwarto tsaka naligo.
Paglabas niya ng ospital ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone na nakaoff lang. Nang kanya itong buksan ay napanganga siya dahil sa messages. 396 messages?! Nang kanyang tignan kung sino ang sender a biglang lumakas ang pagtibok ng kanyang puso, lahat ng iyon ay galing kay Xenon.
agad naman siyang naupo sa isang bench tsaka isa-isang binasa ang mga mensahe nito.
'babe, where are you?'
'you can't escape from a Villiarde. I'll find you.'
'That's it! I'll tell Maureen what happened between us!'
Hindi niya na binasa ang iba dahil puro flood messages na iyon. Agad naman siyang nataranta kaya't dali-dali niya itong tinawagan. Kagat-kagat niya ang kanyang labi nang magring na ito.
Pick it up... Nakahinga siya ng maluwang nang sinagot nito ang tawag.
"Who's this?" napakunot ang kanyang noo nang marinig ang boses ng isang babae.
"I umh... s-si Xenon?" tanong niya dito. Narinig niya naman ang pagtawag nito sa lalaki.
"Babe! Someone is looking for you!" Her jaw clenched when she heard her slutty voice. Sabi na nga ba e, he's a playboy.
Bruha 'to, sakin ang taray magsalita tapos sa lalaking 'yon ang lambing! Kalbuhin ko keps niya e!
Ilang sandali naman ay may narinig siyang parang may umagaw ng cellphone at isang tikhim.
"Hello babe..." napapikit siya nang marinig ang boses nito. Matagal na din kasi nung huli niya itong marinig.
Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.
"Pwede ba tayong magkita?" tanong niya dito. "Of course." napakagat-labi siya dahil pakiramdam niya ay linalambingan nito habang nakikipagusap sa kanya. Sinabi naman nito na sa Skyline Restaurant nalang sila magkita tsaka ibinaba ang tawag. Umuwi muna siya tsaka nagbihis ng simpleng long sleeve tops at pedal shorts.
---
Pagdating niya sa meeting place ay napalunok siya. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa lugar na iyon. Napayuko siya nang makita niya ang mga damit ng mga tao doon. They are wearing formal wears habag siya'y naka casual lang.
Luminga-linga muna siya sa lugar upang hanapin kung nasaan si Xenon nakaupo at nang makita niya ito ay agad niya itong linapitan. Bawak hakbang niya papalapit dito ay mas bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso lalo na't tiningala siya nito at nagtama ang kanilang mga mata.
Nauna siyang umiwas ng tingin sa kanilang dalawa dahil naiilang siya. Nang marating niya ang mesa na inuupuan nito ay agad siyang naupo sa harap nito.
"Goodafternoon Ms. Faulkner." bati nito sa kanya.
"G-goodafterrnoon din..."
He offered her a drink ngunit tumanggi siya. "Tubig lang." agad naman itong nagtawag ng waiter upang dalhan siya ng tubig.
Pasimple niya naman itong sinulyapan. Bagay na bagay dito ang suot nitong corporate attire, hindi niya naman talaga maipagkaila na gwapo talaga ang lalaking ito. Napatigil naman siya nang marinig itong tumikhim. Nang kanya itong tingalain ay nakita niyang nakataas ang isang sulok ng labi nito habang nakatingin sa kanya.
"Enjoying the view babe?.." agad naman siyang napaiwas ng tingin habang kagat-kagat ang kanyang labi. She heard him chuckle as he drink his coffee.
Hotdog naman e! Ang gwapo niya! Ipinilig niya naman ang kanyang ulo tsaka pinagalitan ang kanyang sarili sa kanyang isipan.
Agad siyang umayos ng upo tsaka tumikhim.
"Payag nako..." she said. Naibaba naman nito ang basong nasa bibig tsaka siya tinignan. She tried to look into his deep blue eyes pero naiilang parin siya. He's too intimidating kaya't no doubt maraming babaeng nagkakandarapa dito. Pero hindi siya isa sa mga iyon, maybe crush lang dahil hanga siya sa kagwapuhan nito.
"Are you sure about that?" tanong nito sa kanya kaya't napatango siya.
She also wants to have a child before she dies... and this man can give it to her. Napakagat-labi siya habang pinaglalaruan ang kanyang mga kamay. Nakuha na naman nito ang kanyang virginity, nakumpirma niya na ding hindi siya nito gusto kaya't 'di siya mahihirapan kung mamatay man siya.
She cleared her throat then looked at him again.
"Payag ako. J-just promise me two things." tumaas naman ang kilay nito.
"P-promise me that you'll never tell a peep about this to Maureen." tumango naman ito.
"and... promise me that you'll love our child." tinignan naman siya nito naparang nagtataka.
"H-hindi din ako magr-request ng pagmamahal galing sayo, no strings attached." ngumiti naman ito na naging dahilan ng pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso.
Stop it heart! Lumunok muna siya bago siya magsalitang muli. "Yun lang."
He smirked then looked at her tsaka nagsalita. "That's great, it means wala tayong magiging problema. Just make sure that you won't fall in love with me." agad naman siyang umiling.
"Great, now let's go to your apartment." Kumunot naman ang kanyang noo.
"Why?" she asked, binigyan naman siya nito ng 'duh-look' E bakit ba? He rolled his eyes tsaka muling nagsalita.
"We need to get your things 'cause you'll be living with me. Sa tingin mo, papano tayo makakagawa ng baby kung hindi tayo nakatira sa isang bahay?" napalunok naman siya.
Hindi niya kasi iyon naisip! Napakagat-labi naman siya tsaka napayuko.
"Don't tell me you changed your mind? Well, madali lang sakin na sabihin kay Maureen--" agad naman siyang napatayo tsaka hinila ang braso nito palabas ng restaurant tsaka tinungo ang parking lot.
"Madali ka naman palang kausap e." Pinagbuksan siya nito ng pintuan tsaka agad na sumunod sa loob ng kotse.
---
Pagkatapos niyang magayos ng kanyang mga bagahe ay agad niyang tinungo ang landlady ng kanyang tinitirhan upang magpaalam. Hindi naman ganun karami ang kanyang mga dalang bagahe ngunit tinulungan parin siya ni Xenon na kargahin ang mga iyon. Gentleman naman pala e.
Mag-gagabi na nang makarating sila sa isang Village. Napanganga siya nang makita ang naglalakihan na mga bahay sa loob 'non. Nanlaki ang kanyang mga mata nang tumigil sila sa isang malaking bahay. Maganda din mga disenyo nito sa labas, simple pero masasabi talagang mayaman ang mayari.
Dahil sa pagtitig niya sa bahay ay hindi niya napansin na nakababa na pala si Xenon ng kotse at napagbuksan na din pala siya nito ng pintuan. Dali-dali naman siyang lumabas at akmang kukunin na ang kanyang mga bagahe nang inagaw sa ito sa kanya ni Xenon.
Nang makapasok sila sa bahay nito ay napanganga siya sa ganda nito. "I'll leave your things upstairs." tumango naman siya. Gusto niya sana itong tulungan ngunit alam niyang hindi ito magpapatulong sa kanya.
She walked around the place hanggang sa makarating siya sa garden nito sa likod ng bahay. Her attention got caught by a butterfly on the top of a flower. Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ito.
Agad naman siyang napalingon nang may marinig siyang mga yabag ng paa sa kanyang likod.
"Let's go inside, I ordered foods for our dinner." sabi nito sakanya, tumango naman siya tsaka agad na tumayo at sinundan ito papasok ng bahay.
---
Nakahinga ng maluwang si Emma nang matapos silang kumain. Nakakailang kasi dahil habang kumakain sila ay panay ang tingin nito sa kanya.
Awkward. Dali-dali niyang hinugasan ang mga pinggan bago pumasok sa kwarto tsaka kumuha ng tuwalya upang makaligo. Buti nalang at may shower room 'din sa loob ng kwarto nito kaya't 'di niya kailangan pang bumaba patungo sa isa pang banyo.
Medyo nagtagal siya sa loob ng shower room dahil ramdam niya na kasi ang pagkalagkit ng kanyang katawan. Pagkatapos niyang maligo ay agad niyang kinuha ang tuwalya at ipinulupot ito sa kanyang katawan tsaka lumabas ng shower room. Napatigil siya nang makitang nasa loob ng kwartong iyon si Xenon na prenteng nakaupo sa kama na tila hinihintay siyang makalabas.
Humigpit ang kapit niya sa kanyang tuwalya.
"A-anong ginagawa mo dito?!" sigaw niya ngunit ngumisi lang ito.
"This is also my room.." Kumunot ang kanyang noo. "P-pero akala ko kasi..."akala niya kasi ay magkahiwalay sila ng kwarto!
She felt her heart beat fast nang ngumisi ito tsaka agad na tumayo tsaka unti-unting lumapit sakanya. Hindi niya alam kung bakit hindi sya makagalaw. She should be running away from him! Dapat, bumalik siya sa shower room at ilock iyon pero hindi niya talaga magalaw ang kanyang katawan.
Mas lalong napahigpit ang kanyang kapit sa buhol ng tuwalya nang makarating ito sa kanyang kinatatayuan. She's not wearing anything under the towel for Goodness' sake!
"Damn... you're making me horny " Napasinghap siya nang maramdaman niya ang paglapat ng mainit nitong palad sa kanyang likod na hindi natatakpan ng tuwalya tsaka siya mas inihapit palapit dito.
"X-Xenon..." balak niyang pigilan ito ngunit kahit ang sarili niyang katawan ay tinataksil siya! He leaned to reach her mouth and kissed her hungrily tsaka siya kinarga na parang bagong kasal without breaking their kiss.
Naramdaman niya ang paglapat ng kanyang likod sa malambot na kama. When she opened her eyes ay nakita niya ang mata nitong puno ng pagnananasa. He kissed her again tsaka siya nito kinubabawan.