PAPASOK na sana ng pintuan ng bahay si Emma nang marinig niya ang boses ng Lyriz na parang nagmamaktol. Pasimple niyang linuwagan ang pagbukas ng pintuan tsaka nakinig. "Xenon baby! Lutuan mo ako ng food!" Naikuyom niya ang kanyang palad sa kanyang narinig. Flirt! Sigaw sa loob ng kanyang isipan. "Lyriz would you stop it?! You're being childish again! and would you stop calling me 'baby?!" sigaw nito kaya't napatulala siya. She never heard him shout like that, rinig sa boses nito ang pagkairita. Dahan-dahan niyang sinilip ang dalawa. Bigla naman siyang nakaramdam ng inis nang yumakap sa bewang ni Xenon si Lyriz. "Ehh pinsan! Dati naman, okay lang sayo na tawagin kitang baby ah?" sabi nito habang nakapout. Bigla naman siyang natigilan. Pinsan?! Magsasalita pa sana si Xenon nang bigla iton