Chapter 5

1198 Words
At dahil nga gustong makasiguro ni Mikea na sasamahan ko siya sa pupuntahan niya ay sinakto niya ang dating sa mismong oras na nagsasara na ako ng karinderya ko. "Nasabihan ko na si Paige at pumayag naman siya na magtagal tayo sa labas hanggang 10pm," sambit ni Mikea matapos kong mai-lock ang gate ng karinderya. "Kaya huwag ka nang mag-alala sa bahay mo, okay?” Napabuntong hininga na lang ako. Wala na talaga akong kawala dahil naasikaso na niya ang lahat mula sa bahay ko. “Oo na.” Inilagay ko na sa bag ko ang susi tsaka lumapit sa kanya. “Siguraduhin ko lang na hindi tayo lalapgpas ng alas-diyes ng gabi, huh. Sasabunutan kita kapag hindi ka nagpatangay umuwi kapag nag-aya ako.” Ngumiti siya at kumapit sa braso ko. “Nako, huwag kang mag-alala. Alam ko naman na hindi ka pwedeng lumagpas sa oras na iyon kaya promise, uuwi tayo agad.” “Good.” Madali namang kausap ang isang ito kaya hindi na masama na pagbigyan ko siya ngayon. Bihira lang din siya kung magkaroon ng day-off at ang mga ganitong pagkakataon ay bihira lang din niyang gawin. “Then, tara na sa night market at lumamon ng marami!” masaya niyang sabi na ikinatawa ko na lang. Well, pagkain na din naman ang pupuntahan namin kaya walang masama kung ie-enjoy ko ang pagpasyal naming ito. Mag-uuwi na lang ako ng pasalubong para sa bahay. “At para makarating tayo agad doon, nagtawag na ako ng sundo natin.” Iginiya ako ni Mikea sa gilid ng kalsada palapit sa nakaparadang tricycle. “Isinama ko na din si Isko.” “Hello, Ate Milan,” nakangiting bati ni Isko, ang kapitbahay namin na may gusto kay Mikea. Magkababata ang dalawa at ang alam ko ay talagang patay na patay itong si Isko kay Mikea. Ang kaso nga lang, walang interes sa lalaki itong kaibigan ko kaya naman ilang beses na niyang sinasabi dito na hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay. At hindi naman iyon naging hadlang sa pagkakaibigan nila. Though, ang pamilya naman nila ang naging hadlang sa closeness nilang dalawa. Elementary lang kasi ang natapos ni Isko. Maaga siyang nawalan ng mga magulang kaya siya ang tumayong magulang para sa dalawang kapatid niyang babae. Isinakripisyo niya ang kanyang pag-aaral para magtrabaho at kumita ng ipangbubuhay sa kanilang magkakapatid. Habang si Mikea naman ay nakatapos ng college at mayroong magandang trabaho kaya iniisip ng kani-kanilang pamilya na hindi sila nararapat na maging magkaibigan. Iniisip ng pamilya ni Mikea nakikipaglapit ang lalaki dahil gusto siya nitong perahan. Gustong hingan ng pera upang makaluwag sa buhay. Iniisip ng mga kapatid ni Isko na ginagamit ni Mikea ang nararamdaman ng lalaki sa kanya para mapasunod ito sa anumang hilingin niya. Kaya ang mga ganitong pagkakataon na nagkakasama sila ay bihira lang. “Mas mabuti na iyong may sundo tayo para hindi na tayo mahirapan sa pagpunta at pag-uwi,” sabi ni Mikea. “At sakto na nakita ko iyang si Isko sa pilahan kaya siya na ang kinontrata ko. Plus, matagal-tagal na din kaming hindi nagkaka-bonding itong best friend ko.” Napangiti ako. “Oo na.” Bahagya ko siyang itinulak papasok ng tricycle. “Ang dami mong sinabi. Alam ko naman na na-miss mo lang si Isko kaya talagang sinadya mo siya sa pilahan.” Nanlaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. “Ate!” Tinapik-tapik ko ang braso niya. “You don’t have to deny that to me.” “Huwag ka namang magbiro ng ganyan, Ate Milan,” natatawang sambit ni Isko ng tuluyan kaming makasakay sa tricycle niya. “Baka mamaya ay maniwala ako diyan.” “Oo nga!” alma ni Mikea. “Baka nga maniwala iyan at mag-assume pa.” “Nasa iyo naman kung maniniwala ka o hindi,” sambit ko. Bahagya pa akong natawa nang panlakihan ako ng mata ni Mikea. Well, ang totoo kasi niyan ay may gusto din ang babaeng ito kay Isko pero dahil sa sitwasyon ng pamilya nila ay ipinipilit niyang wala siyang nararamdaman para dito nang sa gayon ay hindi lumala ang sitwasyon. Para sa kanya, mas makakabuti kung magiging magkaibigan sila dahil hindi din niya kayang suwayin ang pamilya niya. At kailangan pa si Isko ng mga kapatid nito kaya ayaw din niyang dumagdag sa aalalahanin nito. “Palabiro ka talaga, Ate Milan.” Napailing na lang si Isko at tuluyan nang pinaandar ang tricycle. Hindi na ako nagsalita pa. Wala kasi akong karapatan na manghimasok sa sitwasyon nilang dalawa. Though, nandito lang ako kung sakaling kailangan nila ng tulong. *********** Enver Andrius; “Pakisabi nga sa akin kung bakit sumama ako sayo dito?” naiiling kong sambit kay Dash nang makarating kami sa harap ng isang night market. “Dahil sinabi ko sayo na tutulungan kitang magkaroon ng contact sa Anox nang sa gayon ay maging dealer ka din nila para sa mga kotse nila,” nakangiti niyang sambit. “At kapalit noon ay sasamahan mo ako sa food trip ko dito.” Napabuntong hininga ako. Yeah, iyon nga ang dahilan. Iniwan ko ang lahat ng trabaho ko matapos niyang sabihin na kaya niya akong i-schedule ng appointment sa mismong may-ari ng Anox, ang car manufacturer ng pinakamahal na sasakyan sa buong mundo. Kahit kasi mahal ang mga sasakyan na ginagawa sa kumpanyang ito ay talaga namang pinagkakagastusan ito at iilang car dealer shop lang ang may permission na magbenta ng mga ito. Karamihan sa customer ng shop ko ay mga kotseng gawa ng Anox ang gustong bilhin kaya naman ginagawa ko ang lahat upang magkaroon ng kontak sa loob nito. Ang mismong may-ari lang ang nag-iisang tao na makakapag-autorize sa akin para ibenta ang sasakyang gawa ng kumpanya nila. Pero hindi madaling makakuha ng appointment dito. At para sa tulong ni Dash na magkaroon ako ng pagkakataon na makaharap si Mister Neon, ang may-ari ng Anox, ay sumama ako sa kanya dito kahit na ayaw ko talagang umalis sa office ko. “Let’s just enjoy the night, En,” ani Dash. “Aba’y matagal na din nang huli tayong mag-bonding, hindi ba? Huwag mo na munang intindihin ang trabaho mo dahil bukas na bukas din ay sisiguraduhin ko na haharapin ka ni Lancelot.” Tinaasan ko siya ng kilay. “You call him by first name. Close kayo?” Ngumiti siya at tumango. “Hindi lang kami basta close…” Ipinakita niya sa akin ang kamay niya at ang kanyang hintuturo ay nakapulupot sa kanyang gitnang daliri. “Ganyan kami ka-close.” “Bakit parang hindi kapani-paniwala?” Likas na mabait si Lancelot Neon, iyan ang madalas kong mabasa sa mga magazine kung saan siya napi-featured, pero hindi siya iyong tipo ng tao na nakikipag-close sa iba. As far as I know, he preferred to be alone most of the time. Kaya hindi talaga kapani-paniwala ang sinasabi nito. “Magtiwala ka na lang, okay?” Inakbayan niya ako. “Sa ngayon, mag-enjoy muna tayo.” Napabuntong hininga na lang ako. Wala na naman akong choice dahil nandito na kami at hindi na ako basta makakabalik pa sa opisina ko. Well, hindi naman siguro masama na mag-relax kahit ilang oras lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD