Together Tora's POV Pagkatapos kong makuha ang dokyumento ay isa isa ko itong pinag-aralan. Tama ang hinala ko! Napakalaking sikreto ang aking natuklasan habang iniisa-isa ko ang bawat pahina nito. Peke ang pag-angkin ng mga La Grosa sa lugar ng mga katutubo. Ayon sa totoong dokyumento ibigay na ng gobernador bago pa manungkulan ang mga La Grosa sa Albueva ang lupa sa mga katutubo at kabilang na ang lugar nila sa National Heritage Site. Walang sinuman ang maaaring magpaalis sa kanila sa kanilang tinutuluyan dahil protekdado dapat sila ng pamahalaan. "Nakakapang-init ng ulo ang mga La Grosa'ng ito konti nalang ang pasensya ko sa kanila." Nanggigigil kong sabi habang hawak ang mga dokyumento. Kailangan maibigay ko ang mga ito sa isang taong mapagkakatiwalaan at maaarin