Close To You Tora's POV Nag-aabang ako ngayon dito sa operating room. Nasa loob ngayon si Don Enrico at sumasailalim sa isang maselang operasyon dahil sa delikadong parte ng katawan niya pumasok ang bala. Nag-aalala ako sa maaaring sapitin niya. Sa kalagayan niya ngayon ay napakaliit ang tsansa na mabuhay siya. Huwag naman sanang ipahintulot. "Tora!" Napalingon ako ngayon kay Enri na humahangos. "Kamusta ang lagay ni Daddy?" Agad ko siyang niyakap upang damayan. Nagmaghiwalay kami ay niyaya ko siyang umupo. "Hindi pa tapos ang opersayon kaya hindi ko parin alam kung ano ang kalagayan ng iyong ama ngayon." Nag-igting ang panga niya at nababakas ngayon sa mga mata niya ang matinding galit. "Kagagawan ito ng mga La Grosa. Naghihintay lang talaga sila ng tama