Gift Tora's POV Papalubog na ang araw ng makarating kami ni Andy sa bayan. "O paano bayan dito na matatapos ang adventure nating dalawa." Masaya na malungkot ako dahil sa katotohanang ng sinabing iyon ni Andy. Hindi biro ang pinagdaanan namin sa pagpasok sa Linanggo at lalo na sa akin ng makaharap ko ang mga taong nakasama ko noon. Ang pagbabalik sa ancestral house ng mga Barrientos at makitang muli ang kababata kong si Enri. "Ingat ka sa pag-alis mo." Sabi ko sa kanya dahil alam ko na aalis na siya ng Albueva baka hindi na ako makapagpaalam sa kanya. "Maingat naman ako ikaw lang itong hindi." Hanggang ngayon iyon parin ang paulit-ulit na topic namin. "Ilang beses ba akong kailangan mag-sorry? Ang kulit mo naman eh." "Mas maganda yun para paulit-ulit puma