Mad/Mud Tora's POV Buong gabi akong umiyak dahil sa aking nalaman. That small computer provides me all the knowledge I need para malaman na hindi pa pala ako ulila sa side ng mommy ko. My aunt is still alive as well as my cousin Nira. Nasa isang sitwasyon lang sila na tulad ng sa akin. They need to finish a big mission na kung hindi nila magagawa ay maaaring maging sanhi ng malawakang giyera samantalang ako naman ay kailangang tapusin ang misyon ko dito sa Albueva para iligtas sa pagkasira ang bayan namin. At isa pa sa mga misyon ko ay ang ibalik ang karangalan ng pamilya namin sa bayang ito. Sa ganung paraan ay makapagbigay pugay man lang ako sa mga magulang ko at ang buong angkan nila mommy. Para maibsan ang pagka-guilty ko sa nangyari sa kanila. "Taas ng araw ha?"