Chapter 20 NAPAKAGAT ng kanyang ibabang labi si Maria Virginia nang mapansin niyang iba na ang kinikilos ni Tom. Hindi man lang kasi ito tumitingin sa mga mata niya, maging ang boses at tono nito ay malamig kasing lamig ng simoy ng hangin sa labas. “Mukhang nagalit ko talaga siya,” Sa isip-isip niya habang nakaupo sa gilis ng lalaki. Nasa hapag kainan na sila, nagluto ang lalaki ng sinigang at piniritong isda. Namangha nga siya nang makita niya, hindi niya kasi alam na marunong ito magluto. “Ahmm…” Napalunok siya ng kanyang laway nang hindi niya kayang tapusin ang kanyang sasabihin. “Eat,” maikli at malamig ang boses na sabi ng lalaki na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Hindi siya gumalaw, ewan ba niya pero napatitig na lamang siya sa mga nakahandang pagkain sa kanyang hara