NAPATITIG si Maria Virginia sa kanyang cellphone, hindi makapaniwala ang dalaga na binabaan siya ng kanyang nobyo ng tawag. She try to call him again pero hindi nito sinasagot hanggang sa sumuko na din siya kasi inisip niya baka may ginagawa nga talaga ito mahalaga. “Jaime….” Bulalas niya sa pangalan ng nobyo. “Sana lang talaga pumayag ka..” mahinang aniya at napatitig sa larawan nila ng kanyang nobyo na ginawa niyang lock screen. Napahiga siya sa kama at niyakap ang kanyang sarili, hindi ito ang unang beses na, kapag kailangan niya ng karamay at pagkalinga ay laging may ginagawa ang kanyang nobyo. Dati ay pinili niyang intindihin ito pero ngayon, napagtanto niyang parang hindi siya ang top priority ng lalaki. “Stop overthing, Maria. It will just make the situation worse,” kastigo ni