HINDI si Maria Virginia makapaniwala sa mga nangyayari, kasama lang naman niya ngayon nakaupo sa isang sasakyan ang lalaking naka-one night stand niya. Ang lalaking dahilan bakit hiyang-hiya siya sa sarili niya at halos parang gusto na niya mawala sa mundo dahil sa takot at pag-alala sa magiging reaction ng kanyang nobyo na si Jaime. “What's in the earth is going on??" bulalas ng utak niya. “So, you are living in this board house alone?" Napakurap-kurap siya at napatingin sa gawi ng lalaki na palagay niya’y kanina pa siya minamasdan. Hindi niya mawari kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Kung may alam ba ito tungkol sa nangyari sa kanila o naalala ba siya nito. “I only rented one room. So, l shared other facilities with other's, like bathroom, kitchen and etc." “Why don't you get