Chapter 15

1731 Words
Asper Reign’s POV Karyu, Rajiv and Miracle have already left the farm. Pinagamit ko na sa kanila ang helicopter para mapadali ang byahe nila. Umalis na din si Zaire. May sarili siyang trabaho dito at nagpupunta lang naman siya dito para makapagpahinga. Nagbabalak na din umalis si Khenny dahil kailangan din niyang bumalik sa asawa niya. Hindi na niya kailangan ang fake passport na inihanda ko dahil mayroon siyang dalang sariling yate na magdadala sa kanya sa Reveni Empire kung nasaan ang private jet niya. Ang alam ko ay isa din siyang prinsipe ng isang bansa kaya malaya din siyang makakalabas ng Hexoria nang hindi hinaharang ng mga nakabantay sa sea border. Habang sina Azure, Lair at Schlain ay mananatili pa dito ng mga ilang araw. Hindi pa nila napa-finalize kung ano ang gagawin sa Rioghail ngayon. Hinihintay pa nila na makabalik sa kani-kanilang headquarters ang lahat ng miyembro nila bago sila kumilos muli. Inabot na ng madaling araw ang pag-uusap namin kaya mahimbing pa din ang tulong ni Jyn. Sa kwarto ko na siya na tulog at hindi ko na siya inabala pang gisingin dahil alam kong na-drain ang lakas niya sa mga nalaman kagabi. Nag-ayos lang ako saglit at lumabas na ng kwarto. Eksakto naman na kalalabas lang din ng kwarto nila Azure at Lair kaya sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa dining area. “Did you tell him our secret?” tanong ni Lair. “Wala na kaming maibibigay na kapalit sayo para itago iyon sa kanya.” “You did your job for me so I will not say anything about it,” sabi ko. “Let’s just say that our deal is over. I’ll keep your secret and back you up when he gets mad at you.” Nang makarating kami ng dining area ay nakahanda na ang almusal namin. Nandito na din sina Lucky na wala nang planong makihalo pa sa mga empleyado ko dahil prente silang nakaupo at kumakain. Mahaba ang mesa dito at kayang i-accommodate ang hanggang dalawampung katao. “Manang, pakitabihan na lang ng pagkain si Cee,” sabi ko kay Manang Judith bago maupo. “Baka mamaya pa gumising iyon.” “Sige, ako nang bahala.” Inilapag ni Manang ang kape sa gilid ng plato ko pagkuwa’y bumalik na kusina. “The deal is over, right?” ani Histy. “Hindi na namin kailangang sundin ang utos mo? Utos na lang ni Boss ang susundin namin?” Tumango ako. “Your part of the deal is over but my part will remain until we assure that Jyn will not do anything to kill you for hiding something from him.” Tingin ko naman ay maiintindihan ni Jyn kung bakit napilitan ang mga tauhan niyang ito na sundin ang mga utos ko na huwag mag-report sa kanya. Though, I am sure that he will ask what I did to hold them. At nasa kanila na iyon kung magtatapat sila kay Jyn. “What deal are you talking about?” Nanlaki ang mga mata namin at mabilis na bumaling sa pintuan ng dining area. Doon, nakasandal si Jyn. Nakatiklop ang mga braso sa kanyang dibdib at nakataas ang kilay habang iniisa-isa ang tingin sa aming lahat. “You have things that you don’t want me to know and that let Asper control you, right?” Tuluyan siyang pumasok at naupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko pagkuwa’y bumaling sa mga kasama namin. “So? You still don’t want to tell me anything about that?” “Boss!” Tumayo si Histy. “We are not hiding anything from you. We already revealed everything about us and we made sure that we were like an open book in front of you.” “Really?” “Yes, boss!” mabilis na sagot ni Lucky. “Miss Asper blackmailed us for different reasons.” Bumaling sa akin si Jyn. “And what did you do to them?” I was about to turn my head away from him but he immediately held my chin and forced me to stay looking at him. “C-Cee…” “I know you made a deal with them so I promise not to kill anyone,” he said. “Just tell me everything, okay?” I sighed and nodded. “Well, I tried to injure myself in front of them, threatened them to kill myself if they don’t do my bidding.” Nanlaki ang mga mata niya. “W-what?” I awkwardly smiled at him. “Not that I would really do that but I was desperate at that time so I had no other choice.” Binitiwan niya ako at huminga ng malalim pagkuwa’y tumangu-tango. “I never thought that you would resort to that kind of tactic.” Muli siyang bumuntong hininga. “Fine, I can forgive the caporegime and I won’t do anything to punish them.” Bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil sigurado nang hindi mapapahamak sa kamay ni Jyn sina Lucky. “But…” Bumaling ang tingin niya kina Azure at Lair na akmang tatayo para tumakas. “Things are different from your situation, right? Azure? Lair?” Muling napaupo ang dalawa ngunit hindi magawang tumingin kay Jyn. “The two of you have secrets that you don’t want me to know, right?” ani Jyn. “Asper managed to learn it and used it to control you. So, confess now before I do something to the both of you.” Hindi nagsalita ang dalawa. Bahagya pa silang napaigtad nang biglang ibagsak ni Jyn ang kamay niya sa mesa. “Better tell him yourself before he loses his patience,” I said. “Hindi nyo habang buhay maitatago iyan sa kanya.” Bumuntong hininga si Azure tsaka sinenyasan sina Lucky na umalis muna. Agad naman nakaramdam ang mga ito kaya mabilis silang tumayo dala ang kanilang mga pagkain tsaka lumabas ng dining. Isinara pa nila ang lahat ng pinto upang masiguro na walang makakarinig ng sasabihin nila. Bumuntong hininga si Azure at matapang na tumingin kay Jyn. “Well, I guess I don’t really have any choice but to tell you,” he said. “It is not a serious offense to you but it is about your sister, Cassia.” Kumunot ang noo Jyn. “What about her?” Huminga ng malalim si Azure. “I am in love with your younger sister.” I saw how Jyn’s body became tense so I immediately held his hand to calm him down. And I guess it works even just a little. Medyo nag-relax ang katawan niya lalo na matapos niyang huminga ng malalim. “Minsan mo kaming binalaan na huwag magtatangkang makipaglapit sa mga kapatid mong babae, lalo na kay Cassiah…” Napakamot siya ng ulo. “Hindi ko pinlano ito. Hindi ko din inaasahan. Ang alam ko na lang, hulog na hulog na ang loob ko sa kanya kahit isang beses ko pa lang siya nakita.” “Is…” Jyn gulped and sighed. “Is she the reason why you always visit Hexoria once a month for the past two years even though you don’t have any engagement here?” Azure nodded. “I secretly visited your village just to see your sister from afar,” he said. “That is all I did. Seeing her is all I need because I respect your wishes not to involve anyone in your family in our group.” “Okay,” Jyn said. “I understand your situation. As long as you didn’t do anything to suddenly pursue my sister behind my back, I can forgive you for keeping this.” This time, bumaling naman kami kay Lair na nagtatago na sa likod ni Azure. Bakas ang takot sa mga mata niya at gusto kong matawa dahil pilit niyang itinutulak si Azure para lang makaiwas sa masamang tingin ni Jyn. “Tell him, Lair,” I said. “He already cornered you. Magsalita ka man o hindi, siguradong malulumpo ka ng wala sa oras.” “If I tell him everything, Cassandra will surely kill me,” Lair exclaimed. “I don’t want to get killed but right now, I would rather be killed by Jyn than Cassandra.” “What did you say?” Tumayo si Jyn at agad na lumapit kay Lair. Pilit nitong hinahablot ngunit hindi niya magawa dahil itinutulak nito si Azure para pumagitna sa kanilang dalawa. Napailing na lang ako kaya kinuha ko ang cellphone na ibinigay sa akin ni Zaire bago siya umalis at tinawagan ang isa pang taong involve sa issue na ito. “Hindi ko inaasahan na makaka-receive ng tawag mula sa babaeng kinababaliwan ng kapatid ko.” Bakas ang pagkamangha sa boses ng nasa kabilang linya. “What can I do for you, future sister-in-law?” “Well, your brother here is ready to kill Lair for not telling you about your relationship with him so I assume you might need to intervene.” “Hmm…” she said. “Nabanggit na sa’kin ng Chess ang naging sitwasyon kaya tingin ko ay wala na ngang saysay kung itatago ko pa ito kay Cas. Okay, put me on video call and I will tell my brother everything.” I immediately put our call on a video call and placed it where she could see them. “Caspian…” Natigil si Jyn sa paghuli kay Lair at lahat sila ay napabaling sa cellphone. “Cassandra?” Agad lumapit si Jyn tsaka tumingin sa akin. “You contact my sister?” Tumango ako. “Naisip ko na siya lang ang magpapakalma sayo,” sabi ko. “I can’t let you kill Lair. I made a promise to back him up when you tried to kill him so I made sure to have some contact with your sister.” Ibinalik niya ang tingin kay Cassandra. “What is the meaning of this, Andry?” “Gusto mong malaman kung ano ang itinatago ni Lair sayo, hindi ba?” sambit ni Cassandra. “But said to say, he will never say anything because he is more afraid of me than you. He would rather be killed by you than me. So I should tell you myself before you kill him.” “Then, what is it?” “Lair and I have been dating for three years now,” walang pagdadalawang-isip na sabi ni Cassandra. “s**t!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD