Jyn’s POV
“Have you finally calmed down?” tanong ni Asper na ngayon ay nakasubsob pa din sa dibdib ko. I have been hugging her since earlier.
We already stopped talking. We just stay in her bed, cuddling each other because I really miss this woman.
“Yes, baby girl,” I answered. “Thanks to you.”
Bahagya niya akong tinulak palayo sa kanya at nag-angat siya ng tingin. “Then, let’s go back to the conference room. Kailangan mong sabihin kina Rajiv kung ano ang gagawin sa grupo mo ngayon habang nandito ka.”
“But I still want to hug you.” I was about to pull her closer again to me but she immediately got up. “Asper…”
“You can hug me anytime you want starting today but let’s take care of your group first, okay?” Tumayo siya sa kama habang hawak ang kamay ko at pilit akong hinihila patayo. “Sina Lair at Azure lang ang kaya kong utusan sa mga underboss mo. Hindi ako basta susundin ng iba kaya huwag nang matigas ang ulo mo.”
Bumuntong hininga ako at tuluyan nang nagpahila sa kanya. Nang makabangon ako at makatayo ay agad siyang sumampa sa likod ko at ipinulupot ang kanyang mga binti sa bewang ko.
“Let’s go!” masaya niyang sabi.
Napailing na lang ako at nagsimula nang maglakad palabas ng kwarto niya. Inalalayan ko na lang ang binti niya upang hindi siya mahulog sa likod ko.
“I already prepared some things that you can use while you stay here,” she said. “It is not the same luxury item that you usually use but it is all good and comfortable to wear. You can just ask Rajiv for other things.”
“Talagang pinaghandaan mo na ang lahat.”
“I just don’t want to let you go back to your mansion,” she said. “It is not safe. At siguradong kapag nagkaroon ng pagkakataon ang mga taong nagtraydor sayo na makausap ka pa ay baka makagawa na naman sila ng paraan para malihis ang imbestigasyon natin.”
I built the Rioghail based on trust and respect. It is what I used as the foundation of my group that is why I was confident to let my guard down.
I thought that it was okay since I believed that each member of my group would never betray me. But I was wrong.
I don’t know why they are doing this. All I know is that they don’t do anything against me but they clearly do things against the people that I love.
“Don’t worry, I will not leave your side starting tonight,” I said. “I will let you take the lead in this situation.”
“Really?”
Tumango ako. “Ikaw ang higit na nakakaalam ng sitwasyon at sa nakikita ko naman ay napaghandaaan mo na ang lahat kaya baka makagulo lang kung makikialam ako,” sabi ko. “Just don’t keep me in the dark and let me do something once in a while.”
“Deal!”
Binuksan ko ang pinto ng conference room at ibinaba na si Asper sa isa sa mga upuan na naroon. Tsaka ako bumaling kina Rajiv. “Any news?”
“Nasabihan ko na ang mga headquarters natin na i-pull out ang lahat ng members,” sagot ni Rajiv. “Maging ang mga transaksyon na nangyayari ngayon at ang mga naka-schedule sa buong taong ito ay ipina-cancel ko na din.”
“Did they already start pulling out?”
“Some of them confirmed doing your command just now,” sagot ni Azure. “Pero lima sa headquarters natin sa Oceana ang hindi pa sumasagot.”
“Did you inform Dash about this?”
“That is the problem, Boss,” ani Karyu. “Kanina pa namin sinusubukan na kontakin si Dash pero hindi niya sinasagot ang phone niya. Kahit ang mga tauhan niya ay hindi din ma-kontak.”
Sandaling dumaan sa isip ko ang posibilidad na isa si Dashyu sa mga tumatraydor sa akin ngunit agad na bumalik sa alaala ko ang dahilan kung bakit nga ba siya naging miyembro ng Rioghail at naging isa pa sa mga underboss kaya agad akong kumalma.
Asper already said that my underbosses are the only people I can trust. And Dashyu is part of my underbosses so I don’t have to be scared.
“I don’t know what the hell happened to that monkey but my gut says he is in big trouble,” Schlain said. “We have to find him, Boss.”
Tumango ako. “I know and that is our first priority,” I said. Magulo man ang grupo ay hindi ko maaaring pabayaan ang mga kaibigan ko. “Karyu, go find your brother,” I said. “Ikaw lang ang higit na nakakakilala doon. Alam mo kung saan siya nagpupunta sa mga panahong hirap tayong kontakin siya.”
“Should I bring him here?”
“No,” sagot ko. “If he is not in good condition, just bring him to Avenir. Sasabihan kita kung ano ang sunod mong gagawin kapag magkasama na kayo.”
“Use this.” Biglang sumingit sa gilid ko si Asper at ibinigay ang isang bag kay Karyu. “There is a communication device there that only us can track. May fake passport at plane ticket din diyan na magagamit mo nang walang problema palabas ng Hexoria. Nasa watchlist na din kasi ang mga pangalan niyo kaya hindi kayo basta makakasakay ng plane kung gagamitin niyo ang real identity niyo.”
Even our names were already leaked as part of Rioghail. Ipagpasalamat ko na lang na naagapan ni Asper ang paglabas ng mga pictures namin kaya malaya pa din kaming makakalabas dito kung gagamit kami ng ibang pangalan.
“Go here.” Isang card pa ang ibinigay ni Asper kay Karyu na agad nitong tinanggap. “He will help you, just don’t mention anything about being part of Rioghail.”
“Thank you, Asper.”
“Rajiv…” Agad bumaling sa akin si Rajiv. “Go back to the city with Miracle and deal with Azaria.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Boss?”
Itinuro ko si Miracle na tahimik lang sa isang gilid ngunit bakas ang galit na kanyang nararamdaman. She has been protecting the Azaria Clan because she still believes that they are good people.
Ngayon, sinampal siya ng katotohanan na iyong mga pinoprotektahan niya ay patuloy pa lang naninira ng buhay ng iba.
At alam ko ang ganoong pakiramdam dahil ganito din ang nangyayari sa akin. Iyong grupo na pilit kong pinangangalagaan at pinoprotektahan ay lumilihis na pala ng landas na naging dahilan kung bakit naging kasangkapan para makapanira ng buhay ng mga inosenteng tao.
“She is going to fight her family,” I said. “Go with her and assist her with everything she needs. Hindi bilang miyembro ng Rioghail, kundi bilang boyfriend niya.”
Dealing with what is happening with Rioghail is our main focus here. At alam kong hindi naman mapapakali si Rajiv kung wala sa tabi niya si Miracle kaya mas mabuti nang magtulungan na lang sila.
“Kami na ang bahala dito,” ani Khenny sa kapatid. “Gawin mo kung ano ang dapat mong gawin.”
Rajiv sighed and nodded. “Okay.”