Chapter 8

1664 Words
Jyn’s POV Agad na kumunot ang noo ko nang makita ang biglaang pagpasok ni Azure sa loob ng opisina ko. Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya dito dahil sinabihan ko namna siya na huwag aalis sa tabi ni Asper kahit na anong mangyari. “Azure!” Agad siyang sinalubong nila Rajiv at Khenny. “Long time no see.” Tipid siyang ngumiti sa magkapatid at nakipag-fist bump bago bumaling sa akin. “We need to talk.” “Take a seat.” Itinuro ko ang mga bakanteng upuan sa harap ng mesa ko. Mayroon akong ibang inaasahang bisita ngayong gabi ngunit tingin ko ay mas mahalaga ito kaya mabuti nang unahin agad ito. Agad siyang naupo. At sumunod naman sa kanya sina Rajiv at Khenny. “What is it about?” “Your uncle sent someone here,” aniya. “One of the Chess.” Napangiwi ako nang marinig iyon at napasapo ng noo. “Who in their mind flew all the way here just to observe me?” Bumuntong hininga siya. “Zaire Xermin.” “s**t!” mahina kong mura. Maging ang magkapatid na Fleisko ay napamura din matapos marinig ang pangalan ng isa sa leader ng grupong direktang nagre-report sa hari ng Avenir Kingdom. “Kailan pa siya dumating?” Umiling siya. “I don’t have any idea,” aniya. “Ipinakita lang sa akin ni Asper ang black letter na galing dito at bigla na lang itong sumulpot kanina bago pa namin mabuksan ang envelop.” “I already told you, dude,” ani Rajiv. “Mabilis nakatunog ang tito mo sa pag-alis pa lang ni Azure sa Avenir.” Inaasahan ko na agad na makakarating sa palasyo ang biglaan kong pagpapatawag kay Azure dito sa Hexoria Kingdom pero hindi ko inaasahan na agad nilang pasusunurin dito ang isang miyembro ng Chess. “Anong sabi ni Zaire?” tanong ni Khenny. “Makikialam ba sila sa mga ginagawa natin dito? Are they going to force Jyn to go back to Avenir?” “Wala naman siyang binanggit tungkol sa pagpapabalik sa mga Jyn,” sabi nito. “She was just tasked to check on Jyn.” Bahagyang nakahinga si Rajiv. “Iyon naman pala eh. Siguro ay nagtaka lang sila dahil ipinatawag mo itong si Azure gayong madalas mo lang naman siyang pakilusin kapag masyado nang delikado ang sitwasyon sa buhay mo.” Sa lahat ng miyembro ng Rioghail, si Azure ang higit na mayroong kakayahan upang humarap sa kahit na anong delikadong sitwasyon. Siya din ang inaasahan ko tuwing nalalagay na sa sobrang panganib ang buhay ko. At alam iyon ng tiyuhin ko na siyang hari ng Avenir Kingdom. Well, that clan was too overprotective to everyone that bears their name. Kahit pa middle name lang namin iyon ay kinikilala kaming kabilang sa royal family ng bansang iyon. Kaya labis-labis ang suportang ibinibigay nila sa amin kahit pa halos nasa kabilang dako na kami ng mundo. Pero kilala ko din ang tiyuhin kong iyon. Hindi niya pipiliin na ipadala ang isang Zaire Xermin kung pagtingin lang sa kalagayan ko ang pakay niya dito. Lalo na kung alam naman nila na hindi ang buhay ko ang nasa panganib. “What is it that Zaire needs to do here?” I asked. “She could just sent anyone in her group. Hindi na niya kailangan na personal pang pumunta dito para lang alamin ang lagay ko.” Bumuntong hininga siya at diretsong tumingin sa akin. “She didn’t say anything, really. But as far as I know about that woman, she was surely tasked to investigate what happened that night. And the effect of that on what is happening around you now.” “Oh s**t!” mura ni Rajiv. “Does it mean they already heard about the rumor?” Tumango siya. “And it is not exactly rumored, right? You bend your knee and beg just to save Asper’s life.” Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sa kanya. “And every member of Rioghail knew that you made your vow to take Asper under your wing, things that you never did to Reina,” dagdag niya. “And he said that in front of Asper, right?” Tumango siyang muli. “I don’t really know what she feels about this when she learned it. Pero ang concern niya ay kung sapat ang proteksyon na nilagay niya sa farm.” Bahagya akong nakahinga ng maluwag. At least ay alam niyang higit pa ding mahalaga sa akin ang kaligtasan niya. But I know, learning what I did that night will make her feel bad and I don’t have the heart to face her. Not that I regret what I did to save her life that night. Kahit muli kaming humarap sa ganoong sitwasyon ay hindi ako magdadalawang-isip na lumuhod at magmakaawa kung iyon lang ang makapagliligtas sa kanya. Ego and pride don’t matter to me if it will cost Asper’s life. Huminga ako ng malalim at isinandal ang likod ko sa kinauupuan ko. “Should I need to put additional men around her farm?” tanong ko sa kanya. “Ano ba ang plano ni Asper? May binanggit ba si Zaire sa gagawin niya?” “I don’t recommend sending another batch of Rioghail men there,” mabilis na sambit ni Azure at nang taasan ko siya ng kilay ay agad naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin. “Zaire said she will send someone to help me secure Asper’s safety.” “It is true, huh?” Nakapangalumbaba akong tumingin sa kanya. “May kung anong ginawa si Asper para mahawakan sa leeg ang mga iyon. Isang bagay na higit pa nilang kinakatakutan dahil pinili nilang ito ang sundin kaysa sa akin.” Nagkamot siya ng ulo at bagsak ang dalawang balikat na sumandal sa kinauupuan. “To be honest, wala akong alam kung ano ang hawak sa kanila ni Asper,” aniya. “Hindi nagsasalita ang mga iyon kahit na anong gawin ko. But like Lucky and Turi said, they are still acting upon what you command so I don’t think you need to worry about them.” I only told him one thing, keep Asper safe from every harm that comes to her. Kung iyon ang ginagawa nila kasabay ng kung anong ipinapagawa sa kanila ni Asper, I guess I don’t need to check on them. “Hmm?” “Huwag mo na lang dagdagan ang mga taong mapapaikot ni Asper sa palad niya dahil baka hindi mo kayanin ang kayang gawin ng babaeng iyon kapag binigyan mo siya ng malaking hukbo na susundin ang lahat ng gusto niyang ipagawa.” Sa mga salitang binibitiwan niya ay nagkakaroon na ako ng ideya kung ano ang mga posibleng nangyayari sa farm ni Asper. “Should I be worried?” I asked. “Gusto kong puntahan si Asper para malaman kung delikado ba ang ginagawa niya pero tingin ko ay hindi din iyon makakatulong sa amin sa sitwasyon ngayon. Umiling siya. “Just focus on what you need to do, Jyn,” mabilis niyang sagot. “She is aware of what she needs to do. Kaya huwag ka nang masyadong mag-alala sa babaeng iyon. She may be fragile but she is not stupid. She knows what she can do to avoid facing another nightmare that will endanger her life.” I want to know what she is up to. I want to see how she does things to her advantage. I want to see her in action. Oh god! Please help me restrain myself. Nagdesisyon na akong tapusin muna ang lahat ng problema ko bago muling magpakita sa kanya. Pero sino bang hindi maaakit na makita at makasama siya gayong ganito siya kumilos ngayon? Sa laki ng pinagbago niya mula nang gabing muntik na siyang mamatay, gusto kong masaksihan ang lahat ng iyon. Huminga ako ng malalim upang ikalma ang sarili ko at ialis ang lahat ng ideya na siyang nagtutulak sa akin para puntahan si Asper. Pagkuwa’y bumaling ako kay Azure. “Ipapadala ko na lang din doon si Lair, once I cleared him from any suspicion,” sabi ko. “Mas mabuti na iyong sigurado ang kaligtasan ni Asper.” “Masyado mong pino-focus ang pwersa ng Rioghail kay Asper,” ani Khenny. “Baka makahalata ang mga kalaban natin kung nasaan siya dahil doon mo pinapadala ang mga underbosses mo.” Umiling ako. “Tama lang ito,” sabi ko. “Sa pagkalat ng ginawa ko ng gabing iyon para iligtas si Asper ay nasa kanya ang lahat ng atensyon ng mga kalaban natin. In just a matter of time, malalaman din ng mga iyon ang kinalalagyan niya kaya mas mabuti na iyong mauna tayo sa paglalagay ng mga tutulong para protektahan siya.” “I second that decision,” ani Rajiv. “Si Asper ang target ng mga iyon at hindi sila mangangahas kay Jyn lalo na kapag napabalita ang pagdating ng Chess White Queen dito. Kaya ngayon pa lang ay dapat na nating palakasin ang depensa sa farm niya.” Bumaling ako kay Azure. “What do you think?” I asked. “Hindi naman niya siguro makokontrol si Lair, hindi ba?” Umiling ito. “Wala namang itinatago si Lair na kahit anong ikakagalit mo sa kanya. At hindi din siya takot sayo kaya safe iyon kay Asper.” I just hope this is enough to keep Asper away from the violence of my world. Alam kong imposible na iyon lalo na’t kumalat na sa buong underground ang tungkol sa kaya kong gawin para lang sa babaeng iyon. At hindi magdadalawang-isip ang mga kalaban ko na gawin ang lahat upang makita akong lumuluhod sa harap nila at nagmamakaawa. I can do that, if it will save Asper. Pero alam kong hindi kailanman gugustuhin ni Asper na makita akong nagpapakababa para lang sa satisfaction ng mga taong iyon. Kaya mas mabuti nang iiwas siya sa gulong ito sa abot ng makakaya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD