Asper Reign’s POV
Natigil ang pag-uusap namin ni Clea dahil kailangan ko nang i-final brief sina Jyn para sa mga gagawin nila. Pagkatapos noon ay kinausap ko naman si Hector para sa huling communication namin bago ang simula ng plano laban sa Amarante.
At dahil sa pagiging abala ko ay sinabihan ko siyang manatili muna dito sa mansyon at bukas na bumalik ng Exor City para maipagpatuloy ang pag-uusap namin.
May ilan kasi akong binago sa master plan namin at nagdagdag ako ng ilang back up plan para makasiguro na walang makakatakas sa kahit sinong miyembro ng grupong iyon. We have to take everyone out to finally take down their whole operation.
May ilan din akong tinawagan para makasiguro na wala ni isa sa panig namin ang masasaktan. Ito lang kasi ang magagawa ko para makatulong sa kanilang lahat.
Mas mabuti na iyong maingat ang bawat kilos namin nang sa gayon ay hindi kami magkaroon ng problema.
“Our communication line is always open,” I said as I distributed communication devices to everyone. “You can call me if you need anything. Especially backups. I have some for backups.”
“How many people have you been involved in this plan of yours?” Rajiv asked. “Parang hindi ka nauubusan ng tauhan sa dami ng pinapakilos mo.”
“I already hired enough people to help me with everything I need about my plan before Jyn sent his people to guard me,” I said. “I just put you in the front line since you were more experienced in this kind of thing so you can expect back up when you need one.”
“Do you have enough bodyguards around this property?” tanong ni Jyn na agad kong tinanguan. “Aside from the backup that you might send our way?”
Tumango akong muli. “I have enough people, Cee,” sabi ko. “I also have Jaira with me so focus on your mission, okay?”
Bumuntong hininga siya tsaka tumango. “Okay.”
“And please, at least have fun,” I added. “That was a party, so having fun will make Amarante believe that we are not doing anything against them.”
“We will try.”
“Then…” Bahagya ko na siyang tinulak papunta sa helicopter na siyang gagamitin nila papunta sa venue ng party. “Go.”
Nauna nang sumakay doon ang mga kasama niya. Susunod na din dapat siya sa mga ito ngunit bumalik pa siya sa akin at humalik sa labi ko tsaka muling tumakbo papunta ng helicopter.
Napailing na lang ako at napangiti habang kumakaway sa kanila hanggang sa tuluyan na silang umalis. Bumalik na ako sa loob ng mansion at eksaktong kabababa lang ni Clea mula sa kwarto niya.
“Umalis na sila?”
Tumango ako at itinuro ang pinto ng conference room. “Want to continue our conversation?”
“Okay.”
Tumuloy na ako sa silid at agad naman siyang sumunod sa akin.
“So, just to review our conversation earlier…” I sat in a swivel chair in front of the control panel of all the computers here and turned to her. “...you came here to ask me to help you get inside the Reveni Empire.”
Tumango siyang muli. “Dahil sa koneksyon mo sa mga Henan ay siguradong hindi ka mahihindian ni Adriel.”
Ang angkan ng Henan ang aware sa existence namin kahit wala kaming kaalam-alam tungkol sa koneksyon namin sa kanila. Hindi sila gumawa ng kahit anong hakbang para i-approach kami dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang namin.
Iniisip nila na mas makakabuti iyon lalo na’t noong panahong iyon ay pinag-iinitan pa din ng mga Azaria ang pamilya ni Daddy.
Pero matapos ipaalam sa amin ni Daddy ang katotohanan na bumabalot sa pamilya niya at ang relasyon namin sa emperor ng Reveni Empire at sa mga kapatid nito ay agad na gumawa ng paraan si Akia upang magkaroon ng koneksyon sa amin.
He said that their mother made him promise to look after us once we learn about the truth about our origin. Binilinan sila nito na makipagkasundo sa lahat ng pinsan nila dahil iyon ang higit na tutulong upang mapanatili ang kapayapaan sa buong imperyo.
But we only met through online meetings. Hindi pa kami nagkikita sa personal dahil abala pa sila sa mga bagay na nagaganap ngayon sa bansa nila.
Tanging ang pinsan nilang sina Hein at Adriel sa father side nila ang nakilala at nakaharap namin.
Bumuntong hininga ako. “To be honest, hindi ko sigurado kung matutulungan kitang makapasok ng Reveni Empire,” sabi ko. “As far as I know, Adriel was the one who was in charge of the security around the empire and I only met that man once.”
“But you can still try, right?”
Tumango ako. “Yeah, I can still try. But I am not going to promise you that it will result in something that you will hope for.”
Bumagsak ang mga balikat niya dahil sa naging sagot ko.
Ayaw kong mangako sa kanya lalo na’t hindi ko pa naman lubos na kilala ang mga namumuno sa Reveni Empire.
“Wait…” I said. “Before anything else, may I know about your relationship with Andrel? Akala ko ba ay si Aden ang papakasalan mo?”
“Iyan nga ang magulo sa sitwasyon ko,” aniya tsaka bumuntong hininga. “I was originally engaged with Aden. It was arranged by my parents to free me from the control of our relatives and protect me by sending me to the Reveni Empire.”
“Then?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“The engagement got hold and I took advantage of that situation for my own gain,” dagdag niya. “I told them I want to live outside the palace even just for a while.”
“Oh.” Tumangu-tango ako. “Like what Miracle did to get away from your clan.”
“Yeah,” sagot niya. “Naging maayos naman ang buhay ko sa labas kahit na alam kong panandalian lang. Then, I met Andrel while working under the company of Boss Jyn.”
“And you got attracted to each other?”
Tumango siya. “Sinubukan naman naming iwasan bago pa lumalim pero huli na ang lahat. So, when we got back to Teur City, he found me and convinced me to just spend the remaining freedom we have before getting back to the lives that we are supposed to take.”
“Both of you have a messed up life that you don’t want to involve each other with, so you forced yourself to be content on hanging out together without putting any label on your relationship.”
“Yeah,”
“Aden knew about it?”
“Actually, siya ang dahilan kung bakit nabigyan kami ng additional to years para magkasama ni Andrel,” sagot niya. “Maliban pa doon ay siniguro din niya na mapuputol ang pagsu-surveillance sa akin ng angkan ko at hinayaan niya akong makasama ang lalaking gusto ko kahit sandaling panahon lang.”
I still don’t know a lot of things about Henan, but I am sure that Aden doesn’t really have any intention of marrying Clea. He was just buying some time for Andrel to come to his senses and take the throne for him since he was really their father’s heir.
Alam ko ang sitwasyon nilang magkapatid pagdating sa trono ng bansa nila. Aden doesn’t believe that he deserves the throne. And despite the plea of many ministers, Andrel doesn’t want to become the emperor of Reveni because he saw how Aden worked so hard to prove himself.
Kaya hinayaan ni Aden na tuluyang magkalapit sina Clea at Andrel nang sa gayon ay kapag dumating ang takdang panahon ng pag-iisang dibdib ng isang Henan at Azaria ay si Andrel mismo ang kukuha sa kanya ng posisyon na matagal na nilang pilit ipinapasa sa isa’t-isa.
But things are different now.
Nasaktan si Andrel dahil sa isang Azaria kaya hindi na nakakapagtaka na agad nilang pinutol ang koneksyon sa mga ito at pilit na inilalayo si Andrel sa babaeng ito.
“To tell you the truth, I don’t think we can do anything for you to see Andrel again even if you go to the Reveni Empire.”
Kumunot ang noo niya. “Anong ibig mong sabihin?”
“Please don’t be offended, huh?” Huminga ako ng malalim at diretsong tumingin sa kanya. “Sigurado naman ako na hindi sila galit sayo dahil sa nangyari kay Andrel. Hindi ka din nila sinisisi dahil maging ikaw naman ay nasaktan din sa insidente na iyon. Pero wala na silang tiwala na magiging ligtas sayo ang buhay ng prinsipe nila sa tabi ng isang mahinang tulad mo.”
Nanlaki ang mga mata niya.
“You don’t have anything to yourself, Clea,” madiin kong sabi. “You are only a liability for them. Or worse, you will just become the death of the possible future emperor of that country because you can’t even stand up for yourself. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ngayon pa lang ay pilit ka na nilang inilalayo kay Andrel. He will just die if you stay beside him.”