Chapter Twenty ELORDE “Sige na. Sumakay ka na at tayong dalawa ang bibili,” aniya nang nakahawak pa rin sa kamay ko sabay hila pabalik sa kanyang motor. “Ayaw ko nang sumama. Ikaw na lang. Umagang umaga kasi nantitrip ka,” “Okay. Walang kakain ng Jollibee ganun lang kasimple,” “Char lang naman. Sige na. Bilis na nurse at ako ay nagugutom na talaga,” Pagkasakay niya sa kanyang motorsiklo ay inilagay na niya ang kanyang jacket saka sumampa na rin ako. Syempre sabay kapit sa kanyang balikat. ILANG sandali lang ay nakarating na kami sa Jollibee. Nagpark muna siya bago kami pumasok doon. “Nurse Henyo, gusto ko ng Coke Float,” parang batang saad ko pagkapasok namin sa loob. “Coke float ka diyan. Gusto mong batukan kita? Umagang umaga. Mamayang hapon na lang bago tayo magduty,” “Bakit