Chapter Nineteen HENYO NAGULAT AKO NANG itaas niya ang isang pirasong con*om mula sa aking wallet. “Akala ko ba wala kang girlfriend? Bakit ka may ganito?” natatawang tanong niya at pati na rin si Shane ay nagpipigil na rin ng kanyang tawa. “Porket may ganyan kailangan munang magkaroong ng nobya? Hindi ba pwedeng nilagay ko lang talaga diyan?” “Basta. Eh kanino mo ginagamit to? Halla ka. Baka kung kani-kanino ka nakikipag-ano,” “Teka nga. Bakit ba napakausisa mo? Normal lang naman sa aming mga lalaki na magkaroon ng ganyan pero sinasabi ko sa 'yo, hindi ako gumagamit niyan dahil wala pa naman akong panggagamitan,” depensa ko. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa babaeng ito? “Ganun ba? Sige. Akin na lang Nurse. Idadagdag ko lang sa collections ko. Wala pa kasi sa collection ko yung