Episode 13

2676 Words

Chapter 13 Crystal After 1 month. Matapos ang isang buwan ay hindi na kami nagkita ni Reynold. Hindi na rin ito pumunta sa apartment ko. Marahil ay tinutoo nito ang sabi niya na hindi na kami magkikita. At nabasa ko sa Magazine na bukas na ito ikakasal sa girlfriend niya. Tuliro ako at hindi ko alam ang aking gagawin. Nasasaktan ako na makita silang dalawa ng girlfriend niyang nakangiti. Hindi na talaga siya mapapasaakin. Bakit lahat na lang ng mga taong mahal ko ay iniiwan ako? Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga gamit ko dahil uuwi na ako sa San Agustin. Wala na rin akong gagawin rito sa Holand. Pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko ay pumunta muna ako sa mansion nila Allysa. Gusto ko magpaalam sa kaniya at kamustahin siya. At gusto ko rin makita ang mga anak nila ni Gabriel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD