Chapter 14 Crystal Tumawag sa akin si Frany. Agad ko naman sinagot ang tawag niya. Alas otso iyon ng umaga. Kasalukuyan kong inaayos ang kama. Inayos ko rin ang mga gamit ko sa cabinet. "Frany, napatawag ka?" tanong ko sa kabilang linya. "Hindi mo man lang sinabi na uuwi ka pala sa San Agustin. Hindi ka man lang nagpakita sa akin," tampo niyang wika sa akin. "Alam mo naman busy ako at nagmamadali ako kahapon. May kailangan ka ba?" tanong ko. "Sana, kaso umalis ka naman," aniya. "Oh, huwag ka na magtampo. Ano ba 'yon, ha?" lambing kong tanong sa kaniya. "Love, she's dating some one," frustrated nitong sabi sa akin. At alam ko na ang tinutukoy nito ay ang war prek niyang girlfriend. "Nagseselos ka naman? E 'di hayaan mo siya," sabi ko. "Grrr....How? Gusto ko suntukin ang lalaki,"