Chapter 11 Crystal Bumalik ako sa party nakita ko na nagsawayan na ang iba. Kumuha ako ng wine sa waiter na umikot at ininom ko iyon. Nanunuod lang ako sa mga sumasayaw. Hanggang kumuha ulit ako ng wine sa kopeta at ininom ko. Nakaapat na shot ako ng wine kaya medyo nahihilo na ako. Dati kapag may problema si Allysa ay ako ang niyaya nito na pumunta sa bar. Lalo na at kapag galit ito kay Gabriel. Ang bruha kong kaibigan ay paayaw-ayaw pa kay Gabriel noon pero ngayon siya na ang naghahabol. Buhay nga naman hindi mo masabi kung kailan magbabago at kung ano ang magyayari sa 'yo sa hinaharap. Maya pa ay lumapit sa akin si Frany. "Narito ka lang pala, Love. Kanina pa kita hinahanap." "Bakit naman? Gusto mo akong isayaw?" ngiti ko sa kaniya sa mapupungay na mga mata. "Tsss... Mamaya isa