TILA BUMALIKTAD ang sikmura ni Soffie nang magising siya ng alas quatro ng umaga. Napatakbo siya papasok sa banyo ng silid at naduwal sa lababo. Ilang minuto rin siyang sunod-sunod na naduwal. Nang maramdamang umayos na ang pakiramdam ay nag-toothbrush siya. Isinabay niya na rin ang paghihilamos at bumalik sa silid. Malalim siyang bumuntong hininga at napatingin sa antler. Nakita niyang mayroong nakasabit na coat. Hindi siya maaring magkamali na kay Nick ito. Tumayo siya at kinuha ito. She sniffed his coat and fell with his scent. Napangiti siya. Nagtungo ang lalaki sa kaniyang silid. Bitbit ang coat nito ay lumabas siya ng silid. Nagtungo siya sa kwarto ng lalaki. Marahang kumatok ngunit walang sumasagot kaya naman pinihit niya na lamang ang seradora ng pintuan at pumasok. Wala roon si