Paid 54

1100 Words

HIGIT ISANG oras nang naghihintay si Nick sa restaurant kung saan nakahanda na ang lahat para sa kaniyang surpresa kay Soffie ngunit wala pa rin ito. Kaya naman naisipan niya nang tawagan si Luke. Kinuha niya ang cell phone niya sa bulsa at tinawagan ito. “Luke, where are you guys now?” Pinagmasdan niya ang napakagandang pagkakaayos ng restaurant. Nasa gawing itaas ito at tanaw ang maliit na siyudad mula roon. “Mr. Alvarez, hindi pa po bumaba ng silid niya si Ms. Soffie. Hinihintay ko siya rito sa labas.” Malalim siyang bumuntong hininga. “Can you go upstairs and pick her up? Ayokong maging tuod dito. Tsk!” Nagsimula na siyang makaramdam ng inis. Simula nang makilala niya si Soffie ay natutunan niyang kontrolin ang kaniyang galit. Hindi niya nais na makitang muli ang mga mata nitong pu

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD