Paid 12

984 Words

NAMILOG ang mga mata ni Soffie nang makita at mapanood ang nangyari. Papalapit sana ang isang lalaki kay Nick nang bigla na lamang itong tumumba nang dahil sa balang tumama sa likuran nito. Binundol siya ng kaba. Wala pa man ding siyang kasama sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang lumabas o magtago na lamang sa loob. Yumuko siya sa loob ng sasakyan at ibinalot ang mga palad sa kaniyang ulo. Tinatagan niya ang kaniyang loob. Mas lalong dumagungdong ang kaniyang dibdib nang sunod-sunod na makarinig ng putok ng baril. Wala siyang kaide-idea kung ano ang nangyayari at para saan ang kaguluhang iyon? Nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang sa marinig niyang bumukas ang sasakyan. Nakaramdam siya ng kaligtasan. Mabilis siyang humarap sa kung sino mang nagbukas nito. “Luke—”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD