“You give the documents to Nicholas?” tanong ni Nick sa kaniyang personal bodyguard at mismong driver habang lulan siya ng sasakyan sa passenger seat. “Stay here, I won’t take long.”
“Yes, sir.”
Nang maiparada ang sasakyan ay pinagbuksan siya ng pintuan ng isa pang tauhan nakaabang sa kanilang pagdating. Bumaba siya ng sasakyan at humarap sa napakalaking gusali ng kumpanyang pagmamay-ari niya. It was the mother company of Sarte.
“Good morning, Mr. Alavarez,” one of his men, who opened the door of his car greeted him. “Nasa loob po si Mr. Henderson. Hinihintay kayo.”
His left brow raised. Wala siyang inaasaan na bisita. Dumaan lamang siya sa kumpanya upang kunin ang isang flashdrive sa loob ng kaniyang opisina. He needed some files saved on it for his today’s business. “Henderson? You mean Paolo Henderson?”
Tumango ang kaniyang tauhan.
Si Paolo ay isang dating kaibigan sa kolehiyo. Nawala ang komunikasyon niya rito nang magtungo ito sa ibang bansa at doon manirahan. He was in hurry today and has no time meeting an old friend. Hindi na siya nagtanong pang muli. Diretso siyang naglakad papasok ng kumpaniya habang inaayos ang suot na coat at necktie. He looked at his wrist watch as he reached the entrance and the security guard greeted him ‘good morning’. Tumango lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Inulan siya ng pagbati mula sa mga empleyadong dinaraanan. But he did not greet them back. Malawak ang mga hakbang na kaniyang ginagawa. May hinahabol din siyang oras para sa file na nilalaman ng flash drive. He entered to the elevator and pressed the button of the floor of his office.
Nakasalubong niya ang sekretarya nang saktong lumabas siya ng elevator. “Magandang umaga, Mr. Alvarez. Nasa loob ng opisina si Mr. Henderson, hinihintay kayo.” Yumuko ito at sumabay sa kaniya sa paglalakad. “Tomorrow you will have a me—”
Itinaas niya ang palad na nakapagpahinto rito. “Not today.” Diretso siyang pumasok sa loob ng kaniyang opisina. Kumunot ang kaniyang noo nang blangko niyang naabutan ang loob. Wala roon si Paolo gaya ng sinabi ng sekretarya. Ngunit wala siyang pakialam sa bagay na iyon ngayong araw. Lumapit siya sa malaki at malawak na kaniyang study table. Binuksan ang isang drawer sa ilalim. Mas lalo siyang binalot ng pagtataka nang hindi niya mahagilap sa loob ng kahon ang hinahanap niyang flashdrive. Hinalungkat pa niya sa ibang lagayan, ngunit hindi niya ito nakita. “Dammit!” Hindi siya maaring magkamali kung saan niya inilalagay ang kaniyang mga gamit. He wanted his things organized. Naikuyom niya ang kamao. Kaagad na rumehistro sa kaniyang isip ang maaring dahilan ng pagkawala ng flashdrive. “Damn you, Henderson!” Napahampas sa salaming lamesa ang kaniyang mga palad. Galit na galit siya.
Pagalit siyang naglakad upang hanapin ang lalaki. Maaring hindi pa ito nakalalabas ng gusali. Napahinto siya sa tangkang paglabas ng opisina nang masipa ng kaniyang sapatos ang isang itim na wallet sa gilid ng itim na sofa. Walang pagdadalawang isip niya itong dinampot at binuklat. Nahulog ang isang papel sa sahig, nasa tatlong pulgada ang sukat nito. He picked the paper up and realized it was not just a paper but a picture. Isang babae ang nakita niya sa larawan. Kulot ang blonde nitong buhok at hindi maitatanggi ang maganda nitong mukha.
Nang maalala ang hinahabol na oras ay ibinulsa niya ang larawan. Gaya ng kaniyang naisip, si Henderson ang nagmamay-ari ng naturang wallet. Sisiguraduhin niyang pagbabayarin nito ang ginawa.
Paglabas niya ng opisina ay naabutan niyang nakaupo ang sekretarya sa loob ng cubicle nito. Tumayo ito at yumuko sa kaniya.
“You’re fired,” maiksi niyang sambit at nilagpasan ito. Lumabas siya ng Sarte nang nakatiim bagang at kuyom ang mga kamao. Sa una pa lamang pinlano na ni Paolo Henderson ang pagkuha ng flashdrive mula sa kaniyang opisina. Hindi siya tiyak sa dahilan nito at sa kung paanong paraan ay nagkainteres ito sa bagay na iyon. But no matter what his reason, he would never forgive him. Bumalik siya sa loob ng sasakyan kung saan naghihintay ang kaniyang driver. Nang makasakay siya ay binuhay nito kaagad ang makina. Kinuha niya sa bulsa ang larawan ng babae at iniabot mula sa balikat ng kaniyang tauhan. “Find her,” utos niya rito.
Kinuha ito ni Luke Lazaro. His acting driver at this moment. He was a trained bodyduard, and was hired to do many things for Nick Alvarez. All around na nga ito at tumatayo na rin bilang kanang kamay niya. Ang lahat ng iniutos niya rito ay walang palya nitong ginagawa. “Masusunod po.” Itinago nito ang larawang tinanggap at nagsimula nang paandarin ang sasakyan.
“She was connected to that Henderson, you have to find her very soon.”
“Surely, I will, Mr. Alvarez.” Naging abala na si Luis sa pagmamaneho. “Didiretso na po ba tayo sa Pier?”
“No, the flash drive was stolen.” Nagngitngit ang kaniyang mga ngipin sa galit nang maalala ang nangyari. Importante ang lakad niyang ito ngayong araw kung nasira ito.
...
MARAHANG binuksan ni Luke ang pintuan ng library kung nasaan ang amo. Naabutan niya itong abala sa pagbabasa ng isang may kakapalang libro. “Mr. Alvarez, nahanap ko na po siya.” Iniabot niya rito ang hawak na itim na folder.
Kaagad naman itong tinanggap ni Nick pagkalapag sa center table ng binabasang libro. “Great, you never disappointed me.” Binuklat nito ang folder.
“Siya si Soffie Santameta,” dugtong ni Ken bilang pagtukoy sa babaeng ipinapahanap ni Nick, isang linggo na ang nakararaan. “Permanenteng residente sa Bulacan ngunit ngayon po ay kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Kuwait bilang domestic helper. Just tell me what I need to do next, papakilusin ko kaagad ang mga tao sa Kuwait.”
Talaga nga namang kalat na at kahit saan ay mayroon nang kuneksyon si Nick, kahit na ito pa ay labas na sa bansang Pilipinas. Ibinaba nito ang hawak na folder at nagsindi ng sigarilyo. Himithit ito ng isa at nagbuga ng usok bago nagsalita, “Bring her back to the Philippines.”