NAALIM PUNGATAN si Soffie nang makaramdam ng uhaw. Pagmulat niya ng mga mata ay ang maluwag na kama ang kaniyang nakita. Wala na si Nick sa kaniyang tabi at pumapasok na ang init ng araw sa bukas na bintana. Tanghali na at ngayon lamang siya nagising, tuyong-tuyo ang kaniyang lalamunan at bahagyang nananakit ang kaniyang ulo. Napahawak siya sa kaniyang sintido at marahang bumangon sa kama. Namilog ang kaniyang mga mata nang mapansing hindi niya na damit ang suot kundi ang malaking polo ni Nick na kulay puti. Wala rin ang kaniyang panloob ngunit hindi niya maalala ang mga nangyari kagabi. Anong nangyari at nasaan si Nick? Napangiwi ang kaniyang labi nang maramdaman ang hapdi sa gitnang bahagi ng kaniyang kayawan. “s**t!” Napamura siya nang maisip ang nangyari. She was not yet totally heal