Kabanata II

1155 Words
"Jerry,may gagawin ka ba sa Saturday?" Muli siyang nagulat sa biglang pagsulpot ni Irish sa tabi niya. Kung si Alexa ang pinakabagong Campus Beauty, taglay naman ni Irish ang titulong orihinal at pinakaangat pagdating sa kagandahan sa Campus Beauty. Naalala niya bigla ang pagkatalo sa pustahan sa pustahan nila ng barkada na makaka-'iskor' sya sa dalaga. Kahit sinasakyan ni Irish ang pagpi-flirt niya, alam niyang para lang iyon sa campus popularity. Kahit kailan kasi hindi nito tinanggap ang ilang beses na date na alok niya. "On Saturday? I think wala naman ako schedule na lakad no'n, why?" Hindi siya sigurado sa itinugon na iyon, pero anuman ang lakad nya sa Sabado, handa syang ikansela lahat. Mukhang maaari niyang mabawi ang natalong pusta sa barkada. "It's my birthday kasi on Saturday and I want to celebrate it sana with you." Bahagya siyang humakbang paatras upang mabigyan ng espasyo ang dalawang dalaga na tuluyan ng sumandal sa locker at nakaharap sa kanya. "Actually," nagsimulang maglaro ang kamay ni Irish sa unang butones ng polo niya. "We want to celebrate her birthday with you." Napalunok siya sa sinabing iyon ni Irish. "Ate's right, you know... Threesome..." sa kabila ng maamong mukha nito ay ang pilyang pagsasalita. "Alex, stop being naughty. Baka ma-turn off si Jerry sa 'yo," nakangiting saway ni Irish sa katabi bago muling ibinalik ang mga tingin sa kanya. "Sorry, don't take it in the wrong way. Ibig sabihin lang ni Alex... Threesome celebration. " "Threesome celebration? Why not? Why not more than threesome? The more, the merrier." Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig nya. Nagsimula siyang tahimik na manalangin na sana hindi na isama pa nina Alexa ang dalawang Campus Beauty, dahil siguradong kakailanganin niya din isama ang ilang barkada. 's**t Jerry, 'wag ka nang umarte pa!' "Actually Jerry, I just want to celebrate my birthday with people. Me, ate and ...." Sinuklay ng kamay nito ang buhok ng binata. "You..." "But if you don't like, okey lang -" "I want it," putol niya sa sinasabi ni Irish kasunod ang paglapat ng mga kamay sa magkabilang tagiliran ng dalawa. Hindi na niya sasayangin pa ang pagkakataon na iyon. Two birds in one shot. "I want that threesome celebration." Saglit na napatingin ang dalawa sa kamay na nakahawak sa kanilang tagiliran,bago tumingin sa isa't isa at sabay na itinugon sa binata ang isang matamis na ngiti sa mga labi. **** "THIS DAY IS A TOTAL s**t!" Pahampas na isinarado ni Ashley ang pinto pagkapasok sa loob ng cubicle ng comfort room. Nakaramdam siya ng katahimikan sa halos dalwang linggong hindi pagpasok ni Irish sa klase. Ito lang kasi ang nag-iisang nakakabara o nakakasagot sa kanya. Malaki din ang inis niya dito ng matalo siya nito bilang Muse ng campus,at mas nadagdagan pa ang inis na iyon ng kumalat ang tsismis na balak itong ligawan ng Campus Heartthrob na si Jerrry. At sa pagbanalik nito,nararamdaman niyang hindi na naman magiging maganda ang mga araw niya. "Nakakabadtrip talaga siya!" Saktong ibinubutones na niya ang suot na palda upang maisara ng mapaigtad sa malakas na pagsara ng comfort room. "Hoy! Makapagsara kayo parang pag-aari niyo 'tong CR ha?!" inis na sigaw niya. Hindi niya alam kung bakit kasabay ngcpaghari ng katahimikan ay ang paglamig ng paligid. Biglang napatingin siya sa gawing kanan ng katabing cubicle ng makarinig ng mga kaluskos at ilang saglit lang ay sa kabilang kaliwa naman ng maringgan ng kaparehas na tunog. Tila nag-umpisang maglaro sa imahinasyob niya ang mahahaba at kulay itim na mga kuko ni Irish kanina. "It's not funny, you know guys?! And if I were you, I will stop those things bago pa mabasag ang mga mukha ninyo." Tumigil nga ang mga kaluskos na iyon ngunit sinundan naman iyon ng pagpatay bukas ng mga ilaw sa loob ng CR. Mas nahindik sya ng magsimulang makarinig ng maliliit na boses at tawanan na hindi alam kung saan nanggagaling. "You are all s**t guys!" Muli ay mas mabilis niyang inayos ang suot na palda. "Hintayin nyo lang talaga ako matapos dito and you will see ---" Napatigil siya ng biglang bumukas ang pinto ng cubicle niya. "We will see what Ashley?" Tumambad sa harapan niya sina Irish at Alexa. Sa kabila ng takot na nararamdaman ay nagawa niyan kapain sa bulsa at ilabas ang maliit na balisong. "D-don't you d-dare to touch me! Y-you will really see....." aniyang hindi na alam ang susunod na sasabihin. Mas nadagdagan ang takot niya ng makitang sa bawat pagpatay bukas ng mga ilaw ay ang pagpapalit palit ng anyo ng dalawang kaharap. Mula sa magagandang estudyante na biglang nagiging mga babaeng may suot na duguang puting bestida at sunug na sunog ang mga balat. "You're not Irish and Alexa! Who are you?! W-what are you?!" Nanatili lang ang mga ito sa kinatatayuan habang nakangiting nakatitig sa kanya. "D-don't you dare lumapit! S-sino man kayong m-mga demonyo kayo! H-hindi ako n-natatakot sa inyo!" "Don't worry Ash, hinding hindi ka namin lalapitan" nakangiting sabi ni Alexa. Bahagyang nakatago ang isang kamay nito sa likuran. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang maliit na itim na minikang inilabas ni Alexa mula sa likuran. Biglang pumasok sa alaala niyang ang pabulong na tanong ni Irish kanina na pakiramdam niya ay siya lang ang nakarinig. 'Naniwala kaba sa kulam?' "Mga mang--" Naramdaman niya ang biglang pagkaipit ng dila niya ng sinimulang talian ni Alexa ang bibig ng itim na manika. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari, kinukulam siya ni Alexa sa mismong harapan niya! 'No. She's not Alexa! She's not Irish! Pero sino sila?!' "I told you,right? We will not touch you..." Hindi si Alexa ang nagsasalita. Siguradong-sigurado siya. "A--a... " Sinubukan niyang bumigkas ng salita ngunit tila naging bato na ang dila niya. 'I'm gonna die...' sa isip niya ng makitang hinawakan ng dalawang kamay ni Alexa ang manika. "Don't. We're not gonna hurt you," nakangiti pa ring sabi ni Alexa. Sunug na sunog ang hitsura ng dalawa sa harapan niya. Halos hindi na nita ito makilala, ngunit sa kabila ng halos naaganas na mukha ay mababakasan pa din ito ng mga ngiti. Mga ngiti kung saan lumalabas ang mga bulok at maiitim na ngipin ng mga ito. "We will not kill you..." Hindi na niya halos naintindihan ang sinabing iyon ni Irish. Napako na ang mga tingin niya sa kamay na may hawak na balisong palapit sa leeg niya. 'I'm gonna kill myself... They're gonna make me kill myself..." Naramdaman niya ang hapdi ng talim ng balisong sa leeg niya. Dahan-dahan... Padiin ng padiin... "Arkkkkkkkkkk!!!!" At sa kabila ng pagpatay bukas ng mga ilaw ay malinaw niyang nakita ang pagtalsik ng mapupulang dugo sa buong paligid ng cubicle. Naramdaman pa niya ang sakit ng pagtagos ng balisong sa kabilang balat niya. "You are the first one from Mojica's clan," may pait na ngiti sa mga labi na bulong ni Irish ***** Please VOTE, COMMENT and SHARE! :))
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD