Kabanata I

1237 Words
"L-lola..." mahinang tawag ni Laila sa lola niyang naggagantsilyo. Sa edad nitong otsenta y dos ay masasabing may malakas pa rin itong pangangatawan kumpara sa mga matatandang kaedaran nito. "Oh, laila, Jen, bakit hindi ninyo kasama ngayon si Irish?" pansin ni Lola Ikay. "Sa bahay ni Laila ang tambayan nilang barkada. Nawiwili kasi sila sa kwento ng matanda na lahat at tungkol sa kapnahunan nito. Dito din nila unang narinig ang kwento ng sunog na mansyon. Ang kwento ng dalawang malaking salamin. "Ikaw na ang magatnong,"siko ni Laila sa katabi. "Ayoko, ikaw na,"tanggi ni Jen. "May problema ba mga apo?" anang matanda na bahagyang ibinaba ang salamin sa mga mata at tumingin sa kanila, kasunod ang pagtigil sa ginagawa. "K-kasi 'la... Ano eh.." Hindi alam ni Laila kung paano at saan magsisimula. "K-kasi lola... N-naalala nyo po 'yung kinwento ninyo sa amin dati. 'Yung tungkol sa sunog na mansyon sa dulo ng Banaba Cerca," nauutal na panimula ni Jen. "'Y-yung tungkol sa dalawang malaking salamin," dugtong ni Laila. "L-lola, totoo po ba 'yun?" Binaba ni lola Ikay ang hawak na mga gamit bago seryosong humarap sa dalawa. "K-kasi 'la, may nangyari po eh." ****** "D- DYO'S ko po!" wala sa loob na bulalas ni lola Ikay matapos marinig ang buong kwento ng dalawang kaharap niya. Pakiramdam niya ay bumalik ang matinding takot na naramdaman niya mahigit tatlumpu'ng taon na ang nakakaraan. "B-bakit po lola?" bakas sa boses ni Laila ang labis na takot. "L-loa, posible po bang..." hindi na itinuloy pa ni Jen ang sasabihin na tila ayaw isiping tama ang sariling hinala. "D'yos ko... Pinakawalan nyo ang dalawang mangkukulan mula sa salamin," halos pabulong na tugon ng matanda, batid niyang malinaw iyong narinig ng dalawang kaharap. ***** "W-what do you think?" nasa boses ni Jen ang takot. Saktong dalawang linggo na ang nakakaraan buhat ng magpunta ng magpunta sila sa lumang mansyon. Dalawang linggo na ring hindi pumapasok ng klase sina Irish at Alexa. "What do you mean what do I think?" magaksalubong ang kilay na balik tanong ni Laila sa katabi habang hindi binibitawan ang binabasang na pocketbook. "Laila, you know what I'm talking about." "Jen, if this is about that stuff again, stop it. Alexa has dengue. Irish was on her out of town to visit her sick tita." Kahit siya, ramdam niya ang takot na nararamdaman ni Jen. Ayaw niya lang maging praning kagaya nito. Pilit niyang pinpaniwala ang sarili na baka nag-uulyanin na ang lola Ikay niya kaya kung anu-ano na ang sinasabi nito. Nalaman niya ang dahilan ng pagliban nina Alexa at Irish mula sa adviser. "And Irish did not even bother to text or inform us!?" May punto si Jen, mula ng maging magkakaibigan silang tatlo, kailanman ay hindi lumiban ng klase si Irish ng hindi sila tinetext o tinatawagn man lang ang isa sa kanila. "Hi guys! What's up!" bati ng kaklase nilang maiitm ang ilalim ng mga mata, may itim na kulay na mga labi at may suot na itim na mga accessories. Kasunod nito ang dalawang babae na kaparehas din ng ayos. "Pwede ba Ashley, wala kaming oras makipag-away sa 'yo, okey!?" Napalitan ng inis ang kanina lang ay takot na nagsisimula niyang maramdaman at ibinalik ang atensyon sa ginagawang pagbabasa ng pocketbook. "Hey, I'm not here para makipag-away. Nangangamusta nga lang ako eh. Right girls?" anitong hinihingi ang pagsangayon ng dalawang kasama. "Whatever!" Jen rolled her eyes. Kagaya ni Laila ay napalitan na ng inis ang kanina ay takot na nararamdaman. Inilabas nito ang cellphone mula sa bag at nagsimulang maglaro ng Candy Crush. Inilagay niya na din ang earphone nakakabit doon sa magkabilang tainga. Kung Campus Beauty ang tawag sa grupo nila, Campus Dark Beauty naman ang tawag sa grupo na lumapit sa kanila, dahil sa dark make up and accessories an gamit ng mga ito. "So..." ani Ashley na tumayo sa harap ng dalawa. Tila awtomatikong alam naman ng dalawang nasa likuran ni Ahley ang gagawin at humila ng upuan mula sa tabi ni Jen para kay Ashley. "Where is the Campus' muse?" tanong pa ni Ashley ng makaupo paharap kina Laila. "Irish was on her out of town , visiting her sick tita," tugon ni Laila na hindi man lang tinapunan ng tingin ang mga ito. Hindi niya ugaling pumatol sa pang-aasar ng tatlo, lalo na ni Ashley, ang leader ng grupo. Si Irish lang ang bukod tanging pumapatol dito. Ilang beses na ring napa- Prinicipal's office ang grupo nila pareho dahil sa pagsasabunutan ni Irish at Ashley. "How about Alexa, nasa out of town din ba sya?" "She has dengue," tipid na muling tugon niya. Nais na niyang matapos ang pag-uusap na iyon. "Wow! Kailan pa naging officially member ng Campus Beauty ang Campus Nerd!?" Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jen bago tinanggal ang earphone sa magkabilang tainga. "You know what Ash!? Why don't you just leave us alone here? Or actually, I think this is better... Why don't you just go to the corner, put your headphones on your ears, listen to your weird music while bagging you head on the wall, instead of disturbing us in here!?" Akmang tatayo si Ashley upang sugurin si Jen ng biglang humampas ng malakas ang pintuan sa pader, dahilan upang halos lahat ng nasa loob ng classroom ay sabay-sabay na mapapitlag mula sa kinauupuan. "Hi guys!" ***** HINDI MAKAPANIWALA si Laila sa nakikita. Pakiramdam niya nanlaki ang singkitin niyang mga mata dahil sa dalawang bagong pasok na kaklase. Irish was on her sweetest smile, beside her was Alexa with her long, black and shiny hair na hindi niya maisip kung gaano katagal ibinabad sa gamot upang maunat ng ganoon. Wala na rin itong suot na salamin sa mata at halatang naka-contact ngunit may mga bakal pa din nakakabit sa mga ngipin na lalong nagpaamo sa mukha nito. "So Ashley," ani Irish ng makalapit sa dalaga. Nagsimulang maglaro ang mga daliri nito sa desk ng nilapitang upuan. Napatingin sina Laila at Jen sa mahahaba at kulay itim na mga kuko ni Irish. "I'm not so sure, but I think, you got the wrong chair," dugtong pa ni Irish. "I- it's all yours!" tugon ni Ashley kasunod ang pagtulak ng upuan palapit sa kausap. Tumalikod na ito upang bumalik sa sariling upuan. "And before you leave!" Napatigil sa paghakbang sina Ashley. 'Bakit feeling ko, hindi si Irish ang nagsasalita,' sabi Laila sa isipan. Pakiramdam kasi niya sa ilalim ng lupa nanggagaling ang boses nito. "Ibalik nyo kung saan nyo kinuha ang upuan ko!" hindi kumikilos na utos ni Irish. "Girls, ibalik ninyo na 'yon!" Walang lingong likod na utos ni Irish sa mga kasama. "Very good!" ani Irish ng maibalik ang upuan sa orihinal na pwesto. "And my dear sister." Sinuklay nito ang mahabang buhok ni Alexa. 'Sister' Hindi maalis-alis ang tingin ni Laila sa dalawa na tila ang mga ito lamang ang tao sa loob ng classroom. "From now on, you will sit beside me. Don't worry, no one here," iginala ni Irish ang paningin sa buong classroom. Hindi alam ni Laila kung saan nanggaling ang panibagong takot na nararamdaman niya sa tingin na ipinupukol ni Irish sa bawat isa sa kanila. May poot sa mga mata nito na tila ba isinusumpa sila isa-isa. "Will dare to hurt us again..." Pabulong ngunit malinaw na narinig ni Laila ang huling mga sinabi ni irish na nagpatindig ng mga balahibo sa buong katawan niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD