AUCTION: Chapter Ten

2155 Words

HUMAHANGOS na sumunod si Ruth kay Mr. Black sa opisina nito. Hindi na niya iniinda ang pananakit ng paa niya dahil sa mga sugat dahil ang tanging nasa isip niya ay ang makausap ito. Hindi siya makakapayag na dito na magtatapos ang lahat. Matapos ang mga sakripisyo niya, iyon pala ay hindi rin siya makakaipon ng pera para sa operasyon ng kanyang nanay. Hindi siya makakapayag! “Mr. Black!” tawag niya dito pero dahil siguro sa medyo malayo na ito ay hindi siya nito nilingon. O baka naman sinadya talaga nitong `wag siyang lingunin. Mas nilakihan na niya ang kanyang mga hakbang. Nakapasok na si Mr. Black sa opisina nito nang ilang dipa na lang ang layo niya dito. Huli na para masundan niya ito sa loob dahil naisara na agad nito ang pinto. Pinagbabayo ni Ruth ang pintuan. Inikot ang seradura

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD