NAPANGITI si Koring nang biglang magmulat ng mata si Tomas matapos niyang ipakain dito ang dalang puso ng tao ng babae. Ngunit nanatili pa rin itong nakahiga. Walang mababakas na emosyon sa mukha. Matapos niyang makuha ang puso dito ay umalis na agad ito. Napansin niya na tila naiiyak ito ngunit pinipigilan lang na maluha. Alam niya na nahihirapan ito sa nangyayari pero nararapat lang naman ang lahat ng ito dito! “Sa wakas! Unti-unti ka nang bumabalik, anak ko!” masiyang turan pa niya. Dinama niya ang dibdib nito. Walang t***k ng puso at hindi pa rin ito humihinga. Marahil sa ikatlong puso na makakain nito ay magkakaroon na ito niyon. Hindi siya nagsisisi na muli niyang binalikan ang pagsamba niya sa Diablo. Maya maya ay napatingin si Koring sa bintanang nakabukas. Mula sa langit ay unt