-Jaxxon Kade's-
Hindi ko masabi ang gustong aminin bakit ba kasi ang hirap sabihin kahit na ang dali-dali naman kung tutuusin! Alam kong torpe ako at natatakot ako na baka ma-basted niya or bigla nalang niya ako baliwalain 'pag sinabi ko ang totoo. That night when I finally had the guts to kiss her I felt she was comfortable answering my kiss and she didn't protest. So imbes na baliwalain yung nangyari no'ng isang gabi ay mas naging disidido na ako na simulan ang unang hakbang. Hindi na ako mag papa-tumpik tumpik pa! I need to do something! Hindi ko na hahayaang mapurnada pa ito. Matagal ko 'tong hinintay!
Kinabukasan tanghali na ako nagising. Eight thirty na ako nang bumangon sa kama kaya mabilis kong hinubad ang aking saplot para maligo. Kahit masakit pa ang aking ulo ay pinilit kong tumayo.
“Damn you Jaxxon! Late kana!” mariin kong mura sa aking sarili. Ang plano ko pa naman ay sabay kami ni Dianne papunta sa office but that damn alcohol! Kasalanan talaga 'to nang tatlo! Mabilis akong nakaligo kaya hindi nako nag abala pang mag kape mabilis ang kilos ko palabas ng pintuan. Imbes na dumiretso sa elevator ay nagawa ko pa talaga na humakbang papunta sa pintuan ni Dianne. Nagbabasakali na baka nasa loob pa ito. Nakailang pindot nako ng doorbell pero wala talaga nag bukas. Kaya lay-lay ang aking mga balikat na nag tungo sa elevator.
“ Hindi mo na talaga yun maabutan gago! Pagkatapos nang ginawa mo kagabi?” mariin kong paninirmon sa aking sarili habang nakasakay nang elevator.
Mabilis kong pinasibad ang kotse palabas ng parking lot, mabuti nalang at hindi na masyadong traffic kaya wala pang kalahating oras ay nakarating agad ako dito sa JMI Mall. Mabibilis ang aking hakbang patungo sa opisina ni Dianne ngunit nang malapit na ako do'n ay nakita kong habol pala sa akin si Crissa. Napatigil ako sa pag lakad para tanungin kung bakit.
“What are you doing here, Criss?”
"Ah! Sir, kanina pa po kita hinihintay. May importanteng tao po kasi na kailangan daw kayo maka-usap,” mahingal-hingal na saad ni Crissa sa akin.
Nagtaka ako. Ang alam ko wala akong inaasahang client na darating ngayon. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin kay Crissa. Nilagay nito ang kanyang dalawang kamay sa kanyang likod na para bang kinakabahan sa inaasta kong awra. Wala akong choice kundi ang umakyat sa aking opisina. Humakbang ako patungo sa elevator at marahan ding nakasunod sa akin si Crissa. Pinindot niya ang floor number ng aking office. I stand straight and cross my arms.
" Who is the important person you are talking about Criss?
" Miss, Krystal Alvarez, Sir.” sambit nito kaya mabilis akong napalingon sa kanya.
“ You should have said that I didn't come in, that I went to something important meeting.”
“ I already said that Sir, pero mapilit po eh. She said that she will wait until you arrive. Kaya wala na po akong nagawa nang basta nalang po ito pumasok sa opisina niyo.”
“ It's okay Criss. Thank you.”
Nang tumigil ang elevator sa 15th floor at nagbukas ang pinto ay mabilis ang aking mga hakbang patungo sa aking opisina. Pagbukas ko nang pinto ay kita ko agad si Krystal. Komportable itong naka-upo sa sofa habang nag babasa ng magazine. Napa-angat naman siya ng tingin nang makita ako habang sinasarado ang pinto. Mabilis akong umupo sa aking swivel chair at humarap sa direksyon niya. Walang patumpik-tumpik ko siyang tinanong.
“ What's bring you here, Krys?” diretso kong tanong sa kanya.
“ Let's talk Jaxx—”
I knew it! It's about our past again! Napatayo ako bigla sa aking inuupuan, padabog kong hinampas ang aking lamesa. Nagulat siya kaya napatingin siya sa mga papel at ballpen na basta umangat sa ere at isa-isang nagsipatakan sa sahig. Kinuyom ko ang aking mga kamao at salubong ang aking mga kilay habang tinitingnan siya sa mata.
“ We don't have anything to talk about Krys! We've been done for long a time!”
“ I still love you Jaxx—”
“ Bullshit! I apologize for what I did before Krys. You knew then what was the reason why I dated you! ”
Hindi siya naka-imik. Marahan siyang umayos ng kanyang pagkaka-upo. Tumikhim muna siya bago ulit nagsalita.
" Wala tayong proper break-up that time Jaxx! Kaya hanggang ngayon umaasa pa din ako sayo.. ”
"Pero ako na mismo ang tumapos nun! Ako na mismo! Hindi mo na kailangan pang ipagsiksikan yang sarili mo sa akin! I don't love you! And I didn't loved you before. And I'm really sorry for what I did to you.”
Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Dahan-dahan akong umupo at tinukod ang dalawang siko sa lamesa. Nai-hilamos ko aking dalawang palad sa aking mukha. Napatingin ako kay Krystal nang basta nalang ito tumayo. Walang imik siyang nag tungo sa pintuan. But before she opens the door she stands straight and directly looks at me with a fiery look.
“ I really hate you! Jaxxon Kade!” galit na sabi nito sabay malakas na sinara ang pinto. Napapikit nalang ako nang tuluyan na itong lumabas.
“f**k!” mariin kong mura sa aking sarili. Agang-aga ay sira na agad ang araw ko. Kung nasilayan ko man lang sana ang maganda at maamong mukha ni Dianne. Sumandal ako sa aking swivel chair habang dahan-dahan na hinilot ang aking magkabilang sintido. I need pain reliever or a cup of coffee instead mabawasan man lang ang sakit ng ulo ko bago ko umpisahan ang pagbabasa ng mga emails.
“ Criss.. coffee please. Thank you.”
It's already 3:30 in the afternoon pero hindi parin ako tapos. Nababarino na ako! Gusto ko nang makita si D! Kaso pahamak talaga tong mga pending emails ko. Hindi naman pwedi na iasa ko kay Crissa. She haven't time for doing stuff like this! Tambak na tambak na din si Crissa sa mga paper works. Wala akong choice kundi gawin 'to sa condo mamaya. Damnit!
Naka ub-ub ako sa aking lamesa nang may kumatok sa pinto. I suddenly raised my head and patiently waiting kung sino man ang papasok. Pumasok si Crissa na may dalang brown envelope.
“ What's that Criss? ” tanong ko sa kanya.
“ Miss Dianne had an emergency Sir, so she gave it to me to hand it to you Sir. ” sabay patong ng envelope sa aking lamesa. Tumango-tango ako sa kanya bilang sagot at lumabas na.
Napa-ayos ako ng upo. I closed my eyes temporarily and rubbed the bridge of my nose to ease my temper. Bakit kailangan niya pa idaan kay Crissa kung pwedi naman na idirekta ito sa akin! At ano naman ang magiging emergency sa kanya? Eh wala naman itong ibang inaalala kundi ang sarili lamang. Ginulo-gulo ko ang aking buhok na para bang nayayamot na naman! Hindi na ako nag abala pa na buksan kung ano man ang laman ng envelope na yun. Niluwagan ko ang aking sout na necktie bago tumayo. Malakas kong binuksan ang pintuan at padabog ko itong sinara kung kaya't napatingin ng wala sa oras si Crissa. Dire-diretso akong nag tungo sa elevator. Habang sakay sa elevator kung ano-ano na ang naiisip ko. Pagkabukas ng pinto ay malalaki ang aking hakbang patungo sa opisina ni Dianne. Binabati ako ng ibang empleyado ngunit tango lang aking sagot sa kanila. Walang pakundangan kong binuksan ang pintuan. Nagulat si Dianne nang makita ako na salubong ang mga kilay na nakatingin sa kanya.
Mabilis akong lumakad papunta sa kanyang kina-uupuan. Hinawakan ko siya sa palapulsuhan kaya napatayo ito bigla. Gulat siyang napatingin sa akin na para bang may tinatanong.
“ Why don't you deliver the files to me yourself, huh?” mariin kong sambit habang hindi bumibitaw ng tingin sa kanya.
“ And why does Crissa have to give it to me when you can do it? ”
Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Kitang-kita ko kung paano siya napayuko. Huminga ako ng malalim bago ulit nagsalita.
“ Are you avoiding me? ” Tanong ko ulit sa kanya kaya napatingin na ito sa akin. But I startled when I saw her silently sobbing. f**k you bastard! mariin kong mura sa aking sarili.
“So-sorry.. Pwedi mo naman ako tanggalin nalang sa trabaho kung may Mali man doon sa ginawa ko.”
Diretsong sabi niya kaya parang nag panting ang aking tainga at naningkit ang aking mga mata. Yumuko ako at dahan-dahang minasahe ang aking magkabilang sentido. Tumikhim ako bago ibinalik ang tingin sa kanya. This time hindi na barino ang mukha ko. Lumapit ako sa kanya nang sobrang lapit at walang sabi na niyakap siya.
“ No. Look! I didn't mean to scold you. Okay? I'm sorry.” pang-aalo ko sa kanya habang yakap-yakap parin siya. Nagulat ito nang basta ko nalang siya buhatin at basta na pina-upo sa lamesa. Napahawak siya sa aking balikat. Napatawa naman ako sa aking isip.
“ I will definitely fired you If you keep avoiding me again. ” Banta ko sa kanya habang sapo nang dalawang palad ko ang kanyang magkabilang pisnge. Ngunit mabilis akong napatingin sa kanyang naka-awang na mga labi.
‘f**k! Lately, Im so obsessed with her red lips.’
I slowly captured her tender lips. She didn't protest, so I kissed her deeper and that was the only joy I felt when she accompanied my kisses to her.