Chapter 8

2461 Words
-Dianne's- Hinalikan niya ako! Shette! Lasing siya. Lasing lang yun kaya hindi niya alam ang kanyang ginagawa. Akala niya siguro ako ang girlfriend niya. May sinasabi pa si Jaxxon kanina kaso hindi ko na narinig kung ano man yun dahil kumaripas na akong tumakbo papunta sa aking kwarto. Halos kapusin ako sa pag hinga habang nakasandal sa pinto dito sa loob ng aking silid. Hindi ko naman sinasabi na wala akong akong karanasan sa mga ganung bagay. Pero iba eh! Iba yung atake ng dib-dib ko nung basta nalang nag lapat ang mga labi namin. Hindi ko ma explain ying nararamdaman ko prang aalpas ang yung puso ko dahil sa sobrang lakas ng t***k nito at rinig na rinig ko yun. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang hinahawakan ang aking labi hindi lang ako makapaniwala na hinalikan niya ako! Lalo na nung tinawag niya akong Babe. O baka lasing lang talaga ito at akala niya siguro ay ako yung babae na kasama niya kanina doon sa swimming pool area. Girlfriend niya siguto yun. Pero bakit parang may biglang dumaan na kirot sa aking dib-dib. Iniling-iling ko ang aking ulo dahil kung ano-ano nalang ang pumapasok sa aking isip. Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto para silipin si Jaxxon kung tulog na ba ito. Lumabas ako at mahinang sinarado ang pinto nakahiga na ito at tahimik na natutulog doon sa sofa. Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa gwapo nitong mukha kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ang tangos ng kanyang ilong, mapupula ang mga labi at mahahaba ang mga pilik nito. Kahit nakapikit ito ay kitang kita parin kung gaano ka singkit ang mga mata nito ngayun ko lang siya natitigan ng ganito ka tagal. ‘Grabeee. Pinag-palang lubos ang lalaking ito. At talagang pamilyar siya. I mean parang may ka-mukha siya pero hindi ko maisip kung sino ito. Ah basta! Pero bakit ang bilis ng t***k ng aking dib-dib?’ Gumalaw ito ng bahagya kung kaya't mabilis akong nag tungo papuntang kusina para uminom ng tubig. Naglagay na rin ako ng tubig sa maliit na palanggana pinatong ko muna ito sa taas ng lamesa at dahan-dahan na bumalik sa aking kwarto upang kumuha ng isang malinis na face towel para pamunas sa kanya. Walang ingay akong umupo sa isang maliit na espasyo dito sa sofa kung saan nakahiga si Jaxxon. Pa dampi-dampi kong pinupunasan ang kanyang gwapong mukha, ‘Mabait ka lang pag tulog.’ Mahinang bulong ko sa aking sarili. Gumalaw ito ng bahagya at umungot siguro dahil ay medyo malamig ang tubig. Nagulat ako dahil bigla nitong hinawakan ang aking isang kamay na may hawak na towel na kasalukuyang nasa bandang noo niya, Napatingin naman ako bigla sa kanya kung kaya't nag tama ang aming paningin. Medyo malamlam ang mga mata nito na para bang may nararamdaman itong masakit kaya napilitan akong magsalita. Tumikhim muna ako bago umimik. “Gi-gising kana pala..pinupunasan lang kita para kako maginhawahan ka ng kaunti.” Sabi ko sa kanya habang hawak-hawak niya parin ang kamay ko. “ O-okay ka lang ba? A-alin ang masaki—” “Masakit ang ulo ko Babe..” sambit nito na sinabayan pa ng pag nguso na para bang bata na nag tatampo, medyo nag panting na naman ang tenga ko dahil sa sinambit niyang tawag sa akin. E hindi niya ako ako Babe! “Babe ka jan! Hindi mo ako girlfriend para tawagin mo ng Babe!” Yamot kong tinanggal ang aking kamay na hawak-hawak niya kanina. “Tatawagin ko yung Babe mo kaya wag kang aalis jan!” Tumayo ako at walang pakundangan na nang marsta papunta sa pintuan para lumabas sana. “He-hey! Baby..” Tawag nito at hindi ko alam kung paano agad siya nakarating dito sa tapat ng pinto, nakapulupot na agad ang mga kamay niya sa aking bewang. Nakayakap siya sa likod ko kaya napatda ako sa aking kinatatayuan dahil sa gulat. Nabitawan ko ng wala sa oras ang hawak kong doorknob. “Wala akong Girlfriend..Hindi ko girlfriend si Krystal!” Sambit nito at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat ramdam na ramdam ko ang bawat labas ng kanyang hininga at nagbigay yun ng kiliti sa aking katawan. Hindi ako makaharap sa kanya kaya nanatili nalang ako na nakatalikod at mas gugustuhin na kaharap ang pintuan. ‘Ahhhh! Nag wawala ang aking sestema dahil sa kanyang presensya at ito na naman ang mga parang bubwit na nagtatakbuhan sa aking dib-dib!’ “Ba-bakit ka ba nag papaliwanag sa akin! E kanina nga lang ay panay ang sambit mo ng Babe kaya baka kako hinahanap mo yung magandang babae na kasama niyo kanina.” Sunod-sunod kong paliwanang sa kanya at narinig ko itong nag mura ng mahina. Tatanggalin ko na sana ang kamay niyang nakapulupot parin sa bewang ko kaso nang maramdaman niya ay lalo lang nito hinigpitan ang pagkakayakap kaya parang hindi na tuloy ako makahinga. “Ja-Jaxx! Bitawan mo nga a-ako! Hindi ako makahinga..” untag ko sa kanya na agad naman kinalas ang pagkaka-yakap sa akin, ngunit nagulat nalang ako ng basta nalang niya pinaharap sa kanya at doon ay niyakap na naman ako. Shettt! Ang bango! lord..kung pagsubok man ito, sana tapusin niyo na. Parang pag nagtagal pa ito ay baka basta nalang ako bubulagta sa sahig. And this time parang may aalpas na naman sa aking dib-dib. Para na akong mahihimatay. “Are you jealous hmm? You're so cute Babe..” napasinghap naman ako sa sinabi nito. 'Ahhh! Ang lakas ng trip!' kako sa aking isip. Pinipilit kong kumawala sa pag kakayakap niya ngunit hindi ako nag tagumpay. “Bakit naman ako magseselos? Ni label nga wala tayo!” Iritado kong sagot sa kanya. 'Pero deep inside..mas gusto ko pang tinidorin ang sabaw kesa aminin na nagseselos ako.' Ramdam kong lumunok ito kaya napatingala ako sa kanya, laking gulat ko nang makita kong nakatungo pala ito sa akin kung kaya't nag tama na naman ang aming paningin. Nag iwas ako ng tingin ngunit sa kasamaang palad ay doon naman napadako ang aking mga mata sa mapupulang labi nito. ' Ano ba Dianne! Sa dami-dami nang pweding tingnan ay sa labi niya pa talaga!? kastigo ko sa aking sarili. Sa wakas ay nagtagumpay akong makawala sa yakap niya kaya mabilis akong gumalaw at walang sabi na binuksan ang pintuan para palabasin na ito. “Lumabas kana at matulog na ma-may trabaho kapa buka—” “Babe.. gusto ko dito matulog kahit doon nalang ako sa sofa.” pag makaawa nito sabay turo sa sofa “Ay Nako! Jaxxon! Tigilan mo ako, may unit ka naman dito at katabi lang nitong saakin kaya hindi ka man lang mapapagod pag nagpunta ka dun. At staka... wag mo nga akong matawag-tawag na Babe mo jan! Hindi kita boyfriend! Isusumbong na talaga kita kay Maxine.” iritado kong bulas sa kanya at pananakot na rin. Pero imbes na masindak ay napatawa lang ito at inisang hakbang niya ang pagitan namin at basta nalang yumuko sa akin at pinalandas ang isang hinlalaking daliri sa aking ibabang labi. “You're so cute.. and your lips are so soft like marshmallows.” Sambit nito kitang-kita ko kung paano gumalaw ang adams apple niya. Napamulaga nalang ako sa gulat dahil dahan-dahan niya akong hinahalikan na naman. Nagwawala na naman ang aking sestema. He kissed me passionately, hindi ako nagbigay nang motibo para gantihan ang kanyang mga halik. Basta ang alam ko nagugustuhan ko ang bawat paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko. Siya ang unang bumitaw pakiramdam ko sobrang pula na nang magkabila kong pisngi dahil sa nararamdaman init na basta nalang umakyat sa mukha ko. Kaya dahan-dahan akong yumuko at walang sabi na hinawakan ang mga labi at pilit na pinoproseso ang ang nangyari. Narining kong tumikhim ito kaya napatingin ako sa kanya “Goodnight Babe. Dream of me.” Sambit nito at dahan-dahan akong hinalikan sa noo at walang sabi na pinindot ang lock ng doorknob at tuluyan nang lumabas at hila ang pinto para isara. Napasandal ako bigla sa hamba ng pintuan at mabilis na nilagay ang parehas kong kamay sa aking dib-dib. Sobrang lakas ng t***k nito na parang sasabog na, nanlalambot ako sa aking kinatatayuan. ‘He kissed my lips twice.. and to be honest I like it.’ Nang medyo naging okay na ang katawan ko ay mabilis akong nagtungo sa kusina para uminom ng isang basong tubig at dumiretso na ako sa aking kwarto para matulog. Kailangan kong ma aga bukas, kailangan hindi kami mag pang-abot dito sa labas ng unit ko. Wala yata akong mukha na maiipakita sa kanya kahit na siya pa ang unang nanghalik. Napapitlag ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha sa taas ng bedside table baka kako si Max ang nag txt. Unknown Number. Ito pa rin yung number na lagi nag t-txt sa akin. Dahil dala ng kuryusidad ay mabilis kong pinindot ang open. ‘I missed you already Babe..’ napatuptop ako sa aking bibig dahil sa nabasa ko. Si Jaxxon ba 'to? Bulong ko sa aking sarili. Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko kaya basta ko nalang binagsak ang aking sarili sa kama, tulala akong napatingin sa kisame hanggang sa napapakit na pala ako. ********************************* Kinabukasan ay ma aga akong umalis sa unit ko para pumasok na sa trabaho. Ayaw ko mag pa chill-chill kahit sobrang sakit ng ulo ko, hindi ko alam kung anong oras na ako tuluyang nakatulog kagabi. Kailangan ko mag hanap-buhay kahit wala naman ako sinusustento. Aba! Hindi ako mayaman para hindi mag banat ng buto. Nakasanayan ko na ang mag trabaho simula palang nung First Year High School ako kaya hinahanap-hanap na rin ng katawan ko. Tamang 7AM nang makarating ako dito sa JMI Mall, kaya nag time-in muna ako bago dumiretso sa opisina ni Maxine. Madami akong gagawin ngayun kaya pagkapasok ko palang ay nag timpla na muna ako ng kape. Winaksi ko muna ang mga isipin ko sa buhay lalo na yung nangyari kagabi. Focus muna ako dito sa trabaho at ayaw ko nang distraction at istorbo kaya ni-lock ko ang pinto bago prenting umupo sa swivel chair para simulan ang pag kwenta ng mga Sale's of the Month. Alas diyes na nang makaramdam ako ng gutom at salamat naman dahil wala ni isa ang nang istorbo sa akin. Tumayo muna ako para mag inat-inat at nang makuntento na ay kinuha ko lang ang aking wallet at nag diretso na sa pintuan para lumabas. Nag punta lang ako saglit sa labas para bumili ng kanin at pang ulam para mag brunch. Di uso sa akin ang mag Starbucks for meryenda nag titipid ako! Mabilis akong nakabalik dito sa opisina at nilantakan agad ang binili kong pagkain. Nag toothbrush lang ako madali at tinali lang nang basta ang aking buhok kahit may ilan pang mga hibla na naiwan. Bumalik na agad ako sa pag-upo para simulan ulit ang naiwang trabaho. Hapon na nang matapos ako kaya nag madali akong pumunta sa opisina ni Jaxxon para ipasa itong ginawa kong computation. Ayaw ko man sana na mag pakita sa kanya kaso no choice ako. Habang sakay sa elevator ay nakailang buntong hininga ako. Tumunog na ito at nag bukas na ang pinto. Nag dahan-dahan lang ako ng paglakad na parang pinag iisipan ko pa kung tutuloy ba ako o hindi. Nang matanaw ko na ang pintuan ng opisina ni Jaxxon ay huminga muna ako ng sobrang lalim bago inayos ang aking sarili. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pinihit ang door-knob para pumasok. Nakita ko si Crissa na biglang napatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya kaya napangiti din ito. “Hi Criss. Pakibigay naman ito kay Sir Jaxxon. May emergency lang akong pupuntahan. Salamat..” Pagsisinungaling ko sa kanya sabay abot nong envelope na hawak ko. “Okay. No problem Miss, D.” she smiled at me and I smiled at her also. Kakabalik ko lang Dito sa opisina para mag pahinga bago maglinis ng mga kalat ko. Medyo natagalan ako sa labas dahil may dinaanan pa ako na mga files sa ibang departments. Dahan-dahan akong umupo para ayusin na ang mga gamit ko. Pero ka-uupo ko pa lang ay may biglang bumukas ang pintuan. Nabigla ako nang Makita kong si Jaxxon ang pumasok. Napatda ako sa aking kinauupuan nang Makita kong salubong ang mga kilay nito na parang nayayamot. Dire-diretso itong naglakad papunta sa aking lamesa. Kinakabahan Ako! Ang bilis ng t***k ng aking dib-dib. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan kaya napatayo ako nang wala sa oras. Napatingin Ako sa kanya na ganon parin ang awra ng mukha nito. ‘May mali ba sa computation ko? Bakit naman napasugod ito nang wala sa oras.’ “ Why don't you deliver the files to me yourself?” Sambit nito. “ And why does Crissa have to give it to me when you can do it? ” Galit nitong pagkakasabi kaya napayuko Ako. Rinig na rinig ko kung paano ito huminga ng malalim at nag salita ulit. “ Are you avoiding me? ” Tanong into kaya napatingin Ako sa kanya. Ngunit nagulat Ako dahil may lumalandas na luha sa aking magkabilang pisngi. Mabilis ko itong pinalis at tumikhim muna Ako bago nagsalita. “So-sorry.. Pwedi mo naman ako tanggalin nalang sa trabaho kung may Mali man doon sa ginawa ko.” Diretsong sabi ko sa kanya at kitang kita ko kung paano naningkit ang singkit nitong mga mata. Yumuko siya at dahan-dahang minasahe ang kanyang magkabilang sentido. Tumikhim siya bago binalik ang tingin sa akin, this time hindi na barino ang mukha nito. Lumapit ito sa akin at basta nalang ako niyakap. Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat at kaba na nararamdaman. “ No! Look.. I didn't mean to scold you. Okay? I'm sorry.” pang aalo nito habang yakap parin Ako. Ngunit nagulat nalang Ako nang basta niya nalang Ako binuhat at pina-upo sa lamesa. “ I will definitely fired you If you keep avoiding me again. ” Sambit nito habang hawak nang magkabilang kamay niya aking magkabilang pisngi. Dahan-dahan niyang sinakop ang aking mga labi. Nalunod Ako sa ginawang niyang halik kaya naipikit ko nalang ang aking mga mata at sinabayan ang galaw ng kanyang pag halik. ****************************************** Kahit ilang Araw ko palang na nakikilala si Jaxxon ay alam Kong may gusto na Ako sa kanya, indenial palang talaga siguro Ako. Ang gaan Ng loob ko sa kanya. Nandon yung feeling na parang matagal ko na siyang kilala ngunit ngayon ko palang ito nakita. Ito na ba yung sinasabi nila na... When you allow yourself to get too Attached to someone, you become weak, you lose control of your emotions, you become vulnerable. Make sure the person you are giving this much power over you is WORTH the risk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD