CHAPTER 3

2606 Words
MABILIS NA LUMIPAS ang araw. Namalayan na lang ni Ana na araw na ng kasal nila ni Samael. Kabang-kaba siya habang abala sa pagme-make-up ng sarili. Mas pinili niyang siya na lang ang mag-ayos kaysa iba. Naayos na rin niya ang buhok niya at patapos na siya ngayon. Hindi magkamayaw ang puso niya. Bakit ganito ang nararamdaman niya? Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Parang gusto niyang umatras sa kasal pero ito na ito, araw na nang kasal nila ni Samael. Sa mga buwang nagdaan, ni hindi niya pa ito nakikilala pero marami ang nagsasabi sa kaniya na mabait at guwapo ito. "Anak, are you excited?" Natigilan na lang siya nang marinig iyon. Mula sa salamin, nakita niya ang mommy niya na pumasok sa kuwarto niya. Ibinaba niya ang hawak na lipstick at hinarap ito. "I don't know, mommy. Kinakabahan po ako." "Bakit naman, Ana? You supposed to be happy because this is your wedding, right? Anak..." Hinawakan nito ang kamay niya. "Huwag ang kabahan o matakot. I'm always here with you. Kung natatakot ka na baka hindi ka tanggapin ni Samael, then don't be scared. Why? Dahil noon pa man, tanggap ka na ni Samael. He already accepted you, Ana. He already knew you." "Kilala niya ako?" nagtataka at naiiling niyang tanong. "Yes, ana—" "Pero hindi ko siya kilala. That's unfair, mommy. Kilala niya ako tapos siya, hindi ko kilala. For sure alam na niya ang histura ko. Mommy, ang tagal kong hinanap ang mukha niya, but sadly, wala akong makita." "Hindi ba't sinabi ko sa iyo na ngayon mo siya makikilala? And it's not unfair, Ana. Hindi mo alam, dati ka pang tinatanong sa akin ni Samael. Determinado siyang pakasalan ka. Nandito lang ako, kung kinakabahan ka, sasamahan kita, okay?" Napatango siya kahit medyo naiinis. Kilala na pala siya ni Samael pero siya, ni hindi niya ito nakilala. Ni hindi niya nakita ang mukha nito. Hindi naman siya nag-iinarte, e. Ang kaniya lang ay gusto niyang makilala ang buong pagkatao nito dahil hindi niya alam, iba pala itong tao. Maraming tanong sa utak niya ang palaging umiikot pero hindi naman niya masagot. "You don't need to worry, mommy. I am fine. Baka kapag nasa simbahan na, baka hindi na po ako kabahan. Nga pala, bakit wala pa po kayo sa simbahan?" tanong niya kapagkuwa'y nagpatuloy sa pagli-lipstick. "Oo nga pala. Gusto mo bang tulungan kita sa pagbibihis mo?" "No need, mommy. May gagawa niyang iba. Sige na po, pumunta na kayo sa simbahan at mayamaya ay susunod na ako." "Sige, I'll you see you at the church." Hinalikan nito ang pisngi niya saka umalis na. Napatango na lang siya. Tinapos muna ni Ana ang kailangang tapusin bago siya nagbihis. May tumulong sa kaniya dahil may kalakihan ang dress niya. Nga pala, isang sikat na designer ang gumawa ng white gown niya at masasabi niyang mahal ito. Kung hindi siya nagkamali, mahigit 100 thousand and presyo nito at ang kabilang panig ang gumastos. Wala silang ginastos ni piso. Nagbibigay naman sila ng mommy niya pero ayaw nitong tanggapin kaya in the end, sila ang gumastos ng lahat. Sa simbahan sila ikakasal ni Samael. Ayaw ng mommy nito na ikasal sila sa beach dahil pangit daw doon. Anong pangit? She's not againts pero hindi pangit ang beach wedding. Parang papakasalan lang niya si Samael dahil may utang ang pamilya niya. Ayon ang iniisip niya ngayon, sa totoo lang. Matapos magbihis, lumabas na si Ana sa kaniyang kuwarto. May umaakay sa kaniya pababa dahil may kalakihan ang gown niya. Nang makababa, kaagad silang lumabas at doon ay naghihintay na ang kotse sa kaniya. Hindi magkamayaw ang puso ni Ana ng mga oras na iyon. Ang lakas-lakas nang kabog ng dibdib niya. Nang makasakay siya sa kotse, umandar na rin ito. Mayamaya na lang ay maikakasal na siya kay Samael. At makikita na rin niya ang mukha nito. Dalawa ang nararamdaman niya. Excited at kinakabahan. Excited na makita si Samael at kinakabahan dahil ngayong araw ay magiging ganap na siyang Buenaventura. Dahil malalim ang iniisip, hindi na namalayan ni Ana na nakarating na sila sa simbahan. Bumaba siya sa kotse at naglakad patungo sa saradong entrance ng simbahan dala ang isang bugkos ng bulaklak. Lalo pang kumabog ang dibdib niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Pinagpapawisan siya ng malamig. Iyong belo niya, nakakasagabal sa kaniya pero hindi na niya iyon pinansin. Ano mang oras ay magbubukas ang pinto at maglalakad na siya patungo sa altar. Diyos ko, wala sanang mangyaring masama sa kaniya. Kung mayroon man, sana'y pagkatapos na ng kasal. Mayamaya pa ay dahan-dahan nang bumukas ang pinto na nagpalunok sa kaniya. Habang dahan-dahang bumubukas, unti-unti niyang nakikita ang mga tao sa loob at nakatuon na agad ang mga mata nito sa kaniya. Muli siyang napalunok. Malaki na ang bukas ng pinto kaya naglakad na siya at kasabay noon ay ang pagtunog ng isang musika. Pakiramdam ni Ana ay mahihimatay siya. Hindi siya sanay sa ganitong senaryo. Hindi siya sanay na maraming nakatingin sa kaniya. Pero nilakasan niya ang loob. Sinalubong siya ng mommy niya. Pumuwesto ito sa tabi niya at sabay silang naglakad patungo sa unahan. Bigla siyang napatingin sa unahan. At bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang may nakitang isang lalaki. Ang guwapo nito. Lalaking-lalaki ang tayo habang nakatingin sa kaniya at nakangiti pa. Ito ba na si Samael? s**t! Hindi nga siya nagkamali, guwapo talaga ito. His eyes, kahit malayo siya, kitang-kita niya ang pagka-asul noon. His nose, he has pointed nose. Ito na ba talaga si Samael? Kung ganoon, lumampas na ito sa expectation niya. Halos perpekto na ang lalaki. Iba kung makatingin sa kaniya. Pero kailangan niya nang proof na ito talaga si Samael. He's wearing a color white tuxedo at ganoon din ang pants nito. His shoes is color brown na talagang bumagay dito. With that outfit, Samael handsomeness went up even more. Parang punding ilaw, kapag bumili nang bago, muling liliwanag at parang ganoon si Samael. At dahil abala sa kakaisip sa lalaki, hindi na niya namalayan na naglalakad na ito palapit sa kaniya. Ni hindi niya naramdaman na umalis ang mommy niya sa tabi niya. Lalo pa siyang kinabahan. Confirmed, si Samael ito dahil lumalapit ito, so it means, he's the groom. "Are you ready, my dear bride?" nakangiting tanong nito sa kaniya. Shit, his voice is freaking attractive. Ngayon lang siya nagkaroon ng ganitong pakiramdam sa isang lalaki. "A-Are you Samael?" tanong niya— nangungumpirma. "Yes, I am Samael Damon Buenaventura," sagot nito. "Y-Yeah, I-I'm ready," nahihiya niyang wika rito. Tinapunan lang siya nito ng isang nakakalokong ngiti saka inangat ang isang braso. Nahinuha na niya kaagad ito kaya naman ipinasok niya ang braso sa nakabukas nitong braso at naglakad na sila patungo sa harap ng altar. Biglang nawala ang kaba ni Ana sa hindi niya malamang dahilan. Samael is so nice. Parang mahal siya nito na hindi niya alam. Kalaunan ay bumaling siya sa tabihan at doon ay nakita niya ang kaniyang mga bridesmaid at isa na roon si Zian na nakangiti sa kaniya. Kinawayan pa siya nito na tango lang ang isinagot niya. "Maganda ka pala sa personal, Ana," mayamaya pa'y sabi ni Samael habang hawak ang mga kamay niya. Bigla siyanh napatingin dito. "Ha? What do you mean? Hindi ako maga—" "No, hindi sa ganiyan, babe. I mean, maganda ka pero mas maganda ka sa personal. That's what I meant, babe..." Wow! Babe agad? "Ah, okay. Ikaw, guwapo ka pala. I never saw your face at ngayon lang. Your mom's right, guwapo ka talaga. And— and I like your eyes." "Thank you, babe. I apprecia—" "Groom and bride, puwede na ba tayong mag-umpisa?" Sabay silang napatingin sa pari. Natawa na lang sila at sabay na sinagot ito ng 'opo'. Nagsimula na nga ang kasal. Nagpalitan sila ng mga vow nila. Marami pa ang nangyari hanggang sa dumating na sa punto na hahalikan na siya ni Samael. Oh. My. God. Hindi ito ang first kiss niya dahil nagkaroon siya ng boyfriend dati pero kinakabahan lang siya ng kaunti. Dahan-dahang tinanggal ni Samael ang belo na nakatapis sa kaniyang mukha. "Can I kiss you?" mahinang tanong nito pero sapat na para marinig niya. "S-Sure," nangingiti niyang sagot na may halong pagkanerbyos. Tumango lamang ito at dahan-dahang lumapit sa mukha niya. Napapikit si Ana at hinintay na dumapo ang mga labi ni Samael sa kaniya. Ilang segundo pa ang nakalipas, naramdaman na niya ang mga labi nito sa kaniya. Ang init at lambot ng labi nito. Parang nawala sa sarili si Ana ng mga oras na iyon. Makalipas ang ilang segundo, nakarinig na siya ng sunod-sunod na palakpak. Humiwalay si Samael sa kaniya kaya napamulat siya. Malapad itong ngumiti saka niyakap siya. Niyakap niya rin ito. They way he touched her, ingat na ingat ito. Parang siya ang precious property nito. Ayaw niyang maging assumera pero sana'y ituring siya nitong ganoon. Matapos magyakapan, bumaling sila sa mga tao at kita niyang masaya ang mga ito sa kanilang dalawa lalo na ang mga magulang nila. Ang laki ng ngiti ng mommy niya habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ngayon lang niya nakita ang mommy niya na ganoon na ikinasiya niya. Nang matapos iyon, nagpicture-picture pa sila. Lahat ng mga abay, kasali. Kasali rin ang si Zianat ang best man ni Samael na si Franz na kaibigan nito. Matapos iyon, nagtungo na sila sa reception area. Nasa iisang sasakyan lang sila ni Samael at ito ang nagmamaneho. "Do you love me, Ana?" mayamaya pa'y tanong ni Samael sa kaniya. Napatingin siya rito. "Bakit mo naman natanong iyan? But to answer your question... y-yes," sagot niya kahit hindi naman totoo. Hindi pa siya nakakaramdam ng kakaiba sa lalaki. Pero sa tingin niya ay mabuti itong tao dahil sa ginawa nito sa kaniya kanina. Napaka-gentleman nito. Binuhat pa siya habang palabas sa simbahan dahil nasabi niyang masakit ang paa niya gawa ng heels. Ayaw niyang magpabuhat dahil nahihiya siya pero ayaw nitong makinig kaya naman wala siyang nagawa. "Kung tatanungin mo ako..." Kinuha nito ang kamay niya at hindi alintana kung nagmamaneho ito. "Mahal kita, Ana. Noon pa man, minahal na kita at hindi ako nagsisisi na pinakasalan kita. Don't worry, I will be a good husband for you, Ana. Mahal kita." At hinalikan nito ang likod ng kamay niya. Nakaramdam siya ng kilig sa sinabi nito. If so, then she will wait to feel something on him. Nang bitiwan nito ang kamay niya, bumaling na siya sa labas para libangin sa sarili. Maayos naman ang kasal nila at nakaramdam ng saya si Ana kahit papaano. MATAPOS ANG RECEPTION, pumunta na sila sa magiging bahay nila. Medyo nagulat si Ana nang malaman niyang may bahay na agad silang dalawa ni Samael. At ni piso'y wala siyang ibinigay. Ang baba tuloy ng tingin niya sa sarili ngayon. Parang lahat na lang ay iniasa niya kay Samael. "Babe, are you okay?" Natigilan na lang siya nang biglang magsalita si Samael. Nasa loob na sila ng kanilang kuwarto. Nakaupo siya sa kama samantalang si Samael naman ay nakatayo sa harapan niya. She gulped and answered him. "Y-Yeah, I am okay. Bakit mo naman natanong?" "Para kasi ang lalim ng iniisip mo, e." Marahang umupo si Samael sa tabi niya at pinakatitigan siya sa mga mata. "Kanina pa kitang nakitang ganiyan. May problema ba, babe?" Hinawakan nito ang kamay niya saka pinisil. Iyong boses nito, mahahalata mo na nag-aalala. Pero hindi nito kailangang mag-alala sa kaniya dahil ayos lamang siya. "Hindi naman malalim ang iniisip ko at wala akong problema, Samael," nakangiti niyang sabi saka binawi ang kamay sa hindi niya malamang dahilan. "Ana, are comfortable if I call you 'babe'?" Ngumiti siya. "O-Oo naman. Bakit mo natanong? Kung iniisip mo na ayaw kong tawagin mo ako niyan, then you're wrong. Kanina mo pa akong tinatawag na ganiyan, e 'di sana'y kanina pa ako kumontra." "Thank you, babe. Nga pala, what do you want to eat? Ipagluluto kita." "Hindi na, I'm already full. Bago tayo umalis sa reception area, kumain muna ako. Ikaw, bakit hindi mo samahan iyong mga kaibigan mo? Hindi ba't inaaya ka nila na magsaya?" "Babe, ayaw kong masira ang tiwala mo sa akin. Baka kasi isipin mo na lasinggero o mambababae ako. Pati it's our day, 'di ba? Magsama muna tayo ngayon, magsama tayo bilang mag-asawa." Dumukwang ito sa kaniyang pisngi at hinalikan iyon. Ngunit hindi pa iyon nagtatapos doon, gumapang ang mga labi nito patungo sa kaniyang mga labi at walang ano-ano'y hinalikan siya nang mapusok. At dahil sa gulat, naitulak niya ito. "What are you doing, Samael?" Napatayo siya sa kinauupuan at tiningnan ito. "What kind of question is that, babe? You supposed to agree with me, right? Mag-asawa na tayo. Just normalize this, okay? Come here, let's enjoy this da—" "No!" sigaw niya. "We have honeymoon tomorrow, doon na lang natin gawin. Now, can we just rest? I'm so tired and I badly need to sleep. Not now, Samael. Please, respect me as your wife. Kung hindi mo ako rerespetuhin bilang ako, aalis ako sa bahay na ito!" Hindi niya mapigilan ang magalit. Wala siya sa mood ngayon kaya hindi niya ito pinayagan. Isa pa'y papunta sila sa Maldives bukas dahil doon nila napagdesisyunang mag-honeymoon. Alam niyang bukas ay marami ang puwedeng mangyari at masasabi ni Ana na hindi pa siya handa ngayon. "I'm so sorry, babe. Hindi ko intensyon na magalit ka sa akin. Please, forgive me." Inabot nito ang mga kamay niya at nangungusap ang mga matang tumingin sa kaniya. "Pinapatawad na kita. Sa sususod, don't make an action na alam mong kaiinisan ko. Hindi pa natin kilala ang isa't-isa. And..." Bumalik siya sa pagkakaupo. "Can I have a favor, Samael?" tanong niya kapagkuwan. "What is that, babe?" "Puwede bang huwag muna nating ituloy ang honeymoon bukas?" Na-realize niya na hindi pa nga pala nila kilala ang isa't-isa. Natatakot siya sa maaaring maging conflict kung ura-urada. May oras naman para roon. Ang gusto niya'y makilala muna nila ang isa't-isa. Kung makilala na nila ang isa't-isa, saka nila gagawin. "Ayan lang ba, babe? Of course, we can postpone our honeymoon. Kung kailan gusto mo, I'll go for it. I'll respect you as my wife, Ana. Kung anong gusto mo, papayag ako, okay?" "Thank you, Samael. Thank you for giving me a chance to know you. Hindi pa kasi kita kilala, e. I-I just marry you because my mother wanted it at sa tingin ko'y doon siya magiging masaya. Sorry." Napayuko siya. "Babe..." Sinapo nito ang pisngi niya. "You don't need to say sorry. I knew that. Alam kong hindi ka basta-basta magpapakasal sa isang lalaki na hindi mo pa kilala, but trust me, I could be a good husband to you. I won't do anything that might hurt you. I swear, magpapakabuti ako sa iyo, Ana. Just trust me, okay?" "Thank you so much, Samael." Napaluha na lang siya ng mga oras na iyon at mahigpit na niyakap si Samael. Niyakap din naman siya nito pabalik. She became emotional. Sana nga, sana'y maging mabuting asawa ito sa kaniya dahil kung mangyari man, baka matutuhan niyang mahalin ito. Samael is an ideal man. Guwapo na, mabait pa! Maunti pa lang ang tiwala niya rito pero sana'y dumating ang panahon na 100% na niyang pinagkakatiwalaan ito. Nag-usap pa silang dalawa kalaunan ay natulog na siya. Nagpaalam si Samael na bababa lang ito. Tinanguan lang niya ito. Pagod na pagod siya dahil sa nangyari kanina kaya naman ito at bagsak ang katawan niya. Ipinikit niya ang mga mata at kalaunan ay nilamon na ng kadiliman. Ano kaya ang mangyayari bukas?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD