“Handa na ba ang lahat ng gamit at mga kailangan mo?” Nagsisigurado na tanong sa akin ni Daddy. Nakapameywang pa siya ng magtanong sa akin. “Yes dad, nandito na po lahat.” Kasalukuyan kami na nakatingin sa trunk ng aking sasakyan kung saan nakalagay ang aking mga maleta at ilang bag na naglalaman ng aking mga gamit. Madami akong damit na dala para hindi ko na kailangan bumili sa Adira. Ang iba naman ay mga pabaon sa akin ni Mommy. Mabilis na natapos ang buwan kaya ngayon na ang araw kung kailan ako pupunta sa Adira district. Sasamahan ako ni Daddy upang tumulong sa paglipat ng aking mga gamit. May importanteng meeting si Mommy kaya hindi siya makakasama sa amin. Kung wala lang akong dala ay hindi ko na din sana isasama si Daddy para may kasama si Mommy sa bahay. “Mom, aalis na po kam