The Mortal Realm
Freewoods City, Zana's House
"I wonder if he would take the bait."
Nagpalipas na ako ng isang araw ngunit hindi ko pa rin nahahagip ang kanyang presensya. Malakas ang aking kutob na pupuntahan niya ako para magtanong pa tungkol sa kanyang katauhan.
Even if his gaze held so much contempt against the gods, his curiosity won't make it easier for him. Napabuntong hininga ako at binuksan ang T.V bago sumandal sa sofa at pinakatitigan ang kisame.
Mag isa lang ako sa hiram na bahay na ito. Malayo sa malungkot na kastilyo at sa aking mga magulang. Ngunit kahit na ganoon ay sinusundan pa rin ako ng kamalasan. I couldn't even relax or take anything to my grasp.
"...ito po ay live footage ng isang holdap-an sa isang bangko sa bayan ng Freewoods. Mabilis namang ang naging responde ng mga pulisya ngunit may mga hostage sa loob ng naturang institusyon. Pinalikas na rin ang ibang negosyante at residente na malapit sa..."
Napalingon ako sa harapan ng marinig ang balita sa T.V. Dahil sa kuryosidad ay pinanood ko ang nangyayari. Hindi ko alam ngunit nakita ko na lang ang aking sariling tumatakbo palabas ng bahay patungo sa central plaza. The discomfort from the blazing sun almost stop me but I shook it off.
"If these mortals are aware of what the styx they are doing with nature. They wouldn't have experienced this kind of heat." I ranted as I wiped off the sweat on my forehead.
Although the city is small, everything is not too far from each other. I could just run for a couple of minutes to reach the plaza and the other resident areas. But still, the place is plain and boring. None of the mortals' entertain me. Even in their tavern which was called bars and pubs were too bland to even refer to as a wild spice.
Dalawang kanto na lang ang layo sa akin ng bangko na tinutukoy sa napanood ko. At hindi pa man ako nakakalapit ay marami na akong naririnig na bulungan.
"Pakiusap, tulungan n'yo ako! Ginawang hostage ang anak ko!" pakiusap ng isang babae habang umiiyak sa isang lalaki at hinawakan ang braso nito.
Napahinto ako sa pagtakbo at minabuti na maglakad na lang. Nagtiim ang aking panga nang makita kung paano alisin ng lalaking iyon ang kamay ng babae. Napakuyom ang aking kamao dahil walang tumutulong sa babae. Ang iba ay nilalampasan lang siya.
What's worse is those who are filming her situation. I couldn't understand it.
"Hayaan n'yo na 'yan, paparating na rin naman ang ibang pulis," narinig kong sabi ng isa na ikinasama ng aking loob.
Ang kausapin ang babaeng iyon para pakalmahin ay malaki ang maitutulong. Ngunit kahit ang damayan ang kanilang kapwa ay hindi nila magawa?
"Humanity in the mortal race, are you dead?"
I have no reverence to the mortal race but I won't stay idle if there are innocent lives in danger. Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil alam ko na ayoko sa mga mortal. Ngunit nang malaman na may kaguluhan ay tumakbo kaagad ako sa kinaroroonan nito.
I chuckled. "Ah, this is my way to distract my mind about everything. Yeah, that's right... that's the only reason why I am doing this."
Tumawid ako sa kabilang kalsada kung saan napaupo ang babae habang umiiyak pa rin. Nilampasan ko ito at nagpatuloy sa paglalakad. Kung saan mabigat ang hangin ay doon ako nagtungo. Kumanan ako sa isang kanto at sa dulo no'n ay ang kumpulan ng mga mortal.
"Ibaba n'yo ang mga armas niyo kung hindi ay papatayin namin itong bata at ang mga tao sa loob!" sigaw ng isang lalaki na nakaitim. May nakatakip din sa mukha nito para hindi makilala.
Mga bulong bulungan at ang palitan ng mga salita ng masasamang tao at mga pulis ang nangingibabaw na hindi ko nagustuhan. Pumunta ako sa gilid at sinuri ang nangyayari.
Nakapalibot sa labas ang pitong pulis at dalawang kotse. Sa labas ng bangko ay may tatlong lalaking may malalaking katawan habang may hawak na batang umiiyak. Nilingon ko ang glass wall na may bakal na harang kung kaya't ang pinaka ibaba lang ang makikita, may mga mortal roon na nakadapa.
"Let's make this quick," I mumbled.
I squinted my eyes as I narrowed my gaze at the bad guys. When I found a better position against the crowd, I created some ice needles and aimed it at the bad guys' gun.
"Huh?"
Natahimik sandali ang mga naroon nang biglang tumalsik ang baril ng mga holdaper. Mas naunang gumalaw ang mga pulis para patumbahin ang tatlo.
Naglakad ako patungo sa likod at nang walang nakapansin sa akin ay mabilis kong sinira ang naka-lock na pintuan. As I got inside, I followed the smell of fear. A few walks and I finally found them. There are also three armed men inside with their guns pointed at the hostages.
Sa aking palagay ay hindi nila napansin na nahuli na ang tatlo nilang kasama sa labas dahil sa nakababang bakal na harang.
"Hanggang kailan ba tayo maghihintay dito? Patayin na lang natin ang mga ito para mawala ang boredom ko," boses iyon ng isang babae.
Hindi ko iyon napansin dahil malaki ang pangangatawan nito. May isang mortal na napalingon sa aking puwesto. Sinenyasan ko siya na huwag mag ingay, mabuti at naintindihan niya.
"Aalis talaga ako sa bansang ito kapag nakuha ko na ang pera." Ikinasa ng babae ang kanyang baril.
Weapons have two purposes... to defend and to protect from anyone from harm and violence.
I think those who own guns and use that to harm others are pure cowards. Can they not survive a hand to hand combat? I love short rage attacks. I love seeing the terror on their faces before I knock them down.
I was in deep thoughts of hating this group of mortals' when someone took that opportunity to shoot me on my right shoulder! I hissed in pain and ran to the other side and hid myself against a counter. Another loud bang was heard and it was just inches away from me!
Holy styx! Kinalma ko ang aking sarili ngunit nainis lang ako dahil sa pagtili ng mga bihag na nakadapa.
"Sino ang babaeng 'yon? Paano nakapasok 'yon? Mga tanga ba kayo?" narinig kong sigaw ng isang lalaki.
Sumilip ako at nakita ko ang isang payat na lalaking may hawak na dalawang malaking itim na bag. Hindi ko ito nakita kanina. Siguro ay may ginawa ito at ngayon lang lumabas, ngayon ay apat na sila. Napangiwi ako dahil kumirot ang kanan kong balikat, kumukulay ang dugo sa aking damit.
My crimson red blood was glistening for I was a half immortal being. My scar soon disappeared but the stain remained on my clothes. The golden rule was to not harm any mortals with our powers but this is an exemption. They are harming their own kind, therefore it is fine if I punish them.
"Hala! Palibutan n'yo ang babaeng 'yon! Hener, puntahan mo ang likod bakit nabuksan 'yon?!"
"Yes boss!"
Mainit sa loob ng silid siguro dahil sa pangamba ng mga mortal. Ginamit ko ang aking kapangyarihan para mas lumamig ang kapaligiran. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang galaw nila dahil sa tunog ng kanilang mga sapatos sa sahig.
Ang dalawa ay nasa kanan at ang isa ay nasa kaliwa. Inilagay ko ang aking kaliwang kamay sa malamig na sahig at pinadulas iyon para sila ay matumba. I took that opportunity to throw an ice spear in the woman's direction. It hit her left foot and her blood started to cover the white tiles.
"Tang ina! Ano 'to?!" sigaw niya.
I was about to run to the left counter but another bullet hit my leg! I cursed, I couldn't get near them if the captives were too close to them.
"Ano pang hinihintay n'yo, pasko?! Paputukan n'yo!" narinig ko ulit ang pagputok ng mga baril.
The shrieks and scared screams almost swallowed the room. "Damn those guns!" I couldn't help but complain.
It is not that I hate long ranged weapons. It’s just that guns are easy to use even for a beginner. It only needed to pull the trigger and something may get the hit.
"Lumabas ka d'yan babae!" sigaw ng isa.
I want to face them in close combat but I cannot risk the lives of the mortals in the room. I sighed as I formed four small ice daggers and hid them afloat in my back.
"Fine!" marahan akong tumayo habang nakataas ang kamay.
"Damn this b***h!" Sinugod ako ng babaeng tinamaan ng ice spear sa kanyang paa.
Paika-ika siya ngunit bago pa siya tuluyang makalapit sa akin ay pinatama ko ang apat na daggers sa magkabila niyang hita at kamay.
She is paralyzed now.
Papaputukan sana ako ng dalawang lalaki ngunit hinigit ko ang babae papalapit sa akin para gawing panangga. Nakaya ko siyang buhatin kahit mas malaki ang katawan niya sa akin. Kahit na nabaldado ko ang kanyang katawan ay ayaw pa rin paawat ng kanyang bibig!
"Bitiwan mo akong babae ka! Hayop ka! Papatayin kita!"
I rolled my eyes. "No one is interested in your rants."
"Boss! Hawak niya si Karol! Anong gagawin natin?" narinig kong tanong ng isa.
"Paputukan mo ang batang 'yon!"
"Baka matamaan si Karol, boss!"
"Wala akong pakialam! Ayokong masira ang plano!" sabi ng payat na lalaki bago ito naglakad paalis at nagtungo sa likod.
"Sandali! Boss! Saan ka pupunta?!"
"Aalis na kami Hener. Kung hindi mo mapapatay ang babaeng 'yan o matakasan ang mga pulis. Pasensyahan tayo, wala kayong magiging parte sa perang ito."
I gasped. That man is so selfish! Upon hearing those words added the fuel of hatred I have for the mortal race. They are cowards, selfish, cunning and greedy!
"Sorry, Karol... trabaho lang," sabi ng naiwang lalaki.
Mabilis itong nagpaputok ng bala sa aking direksyon. Wala siyang pakialam na natamaan niya ang kanyang kasamahan. Ilang minutong umuulan ng bala at ramdam kong wala ng buhay ang babaeng hawak ko.
"I did not kill you with my ice daggers just to get killed by your comrades' bullets!" I hissed as I held his body tighter.
Napangiwi ako ng madaplisan ako sa hita. Habang hawak pa rin ang walang buhay na babae ay umatras ako. Nakita kong nakayuko ang mga mortal na bihag. Hindi nila makikita kung ano ang gagawin ko. Binitiwan ko ang aking naging panangga at kumilos nang mabilis.
I sighed and while the ice daggers were floating and circling around me. I sprinted to the man's direction. I saw how the man widened his eyes with my full speed. And with a wink, my knuckles met his pathetic face.
He flew a meter away and landed on the wall. It made a crack due to the impact of my punch. He couldn't leave as his hands and feet were covered in ice as he was pinned to the wall.
"A-anong klase ka... " hirap ang boses na tanong niya
"You disgust me," I said before aiming for his neck.
Nahimatay siya nang patamaan ko ang isang parte ng kanyang leeg para mawalan siya ng malay. Mabilis akong tumakbo sa likod para habulin ang iba ngunit nakita kong humarurot na ang kanilang sasakyan.
"Sakay!" someone called from the side of the road.
Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Nagpalingon ako sa paligid. Bakit walang pulis ang nakaabang dito sa likod?!
"Sasakay ka o iiwan kita?"
But I don't want to owe him anything. I stared at him for a minute before I got in his car. "What are you doing here?"
"I happened to pass by and I caught your scent with your unique blood." Sinulyapan niya ako bago itinuon ang tingin sa kalsada.
The road is quite busy. I am afraid we might lose those thieves. "Can you shift?" I asked.
"I am still doubtful about your existence. But to answer your question, yes. I can shift pero hindi sa sitwasyong ito. Gusto mo ba akong mamatay?"
I was just that desperate.
Hindi na ako nagsalita at itinuon na lang ang paghahanap sa asul na kotse ng mga magnanakaw. At nang makita ko itong ilang milya lang ang layo sa amin ay biglang iniliko ni Patch sa kabilang direksyon ang kanyang sasakyan.
"Anong ginagawa mo?! We will lose them!"
"Relax. Parang alam ko na kung saan sila papunta. I just took the shortcut. We will surprise them at the old bridge, trust my werewolf instinct."
"Annoying." Humalukipkip ako habang masamang nakatingin sa kanya.
Dumaan ang sasakyan niya sa isang maliit na eskinita. At nang makalabas kami roon ay isang malawak na kapatagan ang bumungad sa akin. Walang istraktura o kahit bahay sa paligid, ni walang bakas ng daan.
"You are useless! Bakit ba sumakay pa ako sa sasakyan mo?"
"Napaka arte mo, alam mo ba 'yon?" nakangisi niyang sabi. "Kaya mo naman pa lang makipag usap sa lengguwahe namin. Masyado kang pa-sosyal noong mga nakaraang araw."
Sa inis ko ay sinuntok ko siya sa kanyang braso. "If I lose those—"
Tumawa lang siya. "Relax, malapit na tayo sa lumang tulay. Malamang doon sila dadaan para makatakas dahil hindi puntahan iyon."
Sana ay tama ang desisyon ko na sumama sa kanya. Napatingin ako sa malawak na kapatagan. Kahit ang damo ay hindi kayang mabuhay sa estado ng lupa rito.
They are using guns, those weapons may be beautiful and deadly but for my perception, those who use them are cowards–weaklings. If there is a weapon that I dislike the most, that would be guns. At halos lahat ng mortal na gumagamit nito ay walang pagdadalawang isip na pumapatay ng iba't ibang uri ng nilalang.
Kahit ang kanilang kapwa ay hindi nila pinapalampas.
"Nandito na tayo," anunsyo ni Patch.
Sabay kaming bumaba ng kanyang sasakyan. Inilibot ko ang aking paningin sa kapaligiran at may nakita akong isang malaking tulay na gawa sa bakal. Ngunit ito ay kinakalawang na habang ang sahig nito ay may mga bitak at butas na rin. May maliit na ilog rin sa ilalim ng tulay.
Hindi nagtagal ay may humintong sasakyan sa hindi kalayuan sa aming puwesto. Ilang sandali pa ay bumaba ang dalawang magnanakaw na kanina lang ay tinakasan ako.
"Pumasok ka sa sasakyan mo, baka matamaan ka ng mga bala," paalala ko sa aking katabi.
"Nah, thanks for the concern but I can handle myself."
"Mga putang ina n'yo! Mga sagabal! Papatayin ko kayo!" sigaw ng payat na lalaki bago nagpaulan ng bala sa aking direksyon.
Napangisi ako bago tumakbo papunta sa tulay. Ni walang tumamang bala sa akin at nang marating ko ang gilid ng bangin ay walang pagdadalawang isip na tumalon ako.
I heard the werewolf cursed with my sudden action. Even before the thieves turned their attention to Patch. I felt my shoes getting wet until they got cold. I summoned my power to hold my weight as it ascended me. I turned the river's water into an ice staircase.
"What the—" bulalas ni Patch habang nakatingin sa akin.
I smirked, I love attention when I am using my powers. I turned my gaze at the werewolf guy and winked at him. I summoned my power and created arrows made of solid ice.
Walang pagdadalawang isip na ikinumpas ko ang aking kanang kamay sa direksyon ng mga magnanakaw at pinaulanan sila ng mga pana na gawa sa yelo. Kahit natatakot ay gumanti sila ng putok ng baril sa akin ngunit naiwasan ko ito.
"Holy s**t!" the werewolf cursed again.
I couldn't help but to be a jerk as I made those mortals yelp in fright and horror while they dodged my ice made arrows. I saw how the boss cursed as an arrow pierced his right arm and blood was rapidly oozed from it.
"Stop it Zana!"
"Shut it!"
I closed my fist and the rain of arrows stopped. I saw relief on their faces but I am not done yet. Itinaas ko ang aking dalawa kamay at unti unting umaangat ang tubig mula sa ilog habang ito ay nagyeyelo.
Gumagapang ito sa lupa hanggang sa maabot nito ang dalawang magnanakaw. Huminga ako nang malalim bago ikinulong ang dalawa sa aking kapangyarihan. They screamed for help and my mercy but I did not listen. I watched as my ice power caged them.
"You will kill them! Itigil mo 'yang ginagawa mo!" pasigaw na utos ni Patch.
I didn't mind him since I could still feel the thieves’ heartbeats. I jumped down from the ice stairs and walked towards the imprisoned mortals. I snapped my fingers and the ice boxes cracked. They fell to the ground.
"Pinatay ko ba sila?" nakangising tanong ko.
Binigyan ko lang sila ng karanasang hindi nila makakalimutan. Tumakbo si Patch sa aking direksyon at nilampasan ako. Pinulsuhan niya ang dalawang magnanakaw. I heard him sighed when he realized they are still alive.
"You've got to be kidding me?"
Marahan akong tumalikod at laking gulat ko nang makita ang babaeng kinaiinisan ko na nagmula sa Azure Kingdom. What is she doing here? And who is that guy beside her who seemed to be a spawn of darkness?
"Sa lahat ng pwede kong makita sa mundong ito... ikaw pa talaga? Ginagago ba ako ng mundo ng mga mortal?" she said and crossed her arms to her chest.
Napairap ako dahil nakita ko na naman ang napakalaki niyang dibdib. "I'm not in a good mood Farran and seeing your D cup boobs is not helping to lighten up my mood."
Her face turned red. I thought she would answer my sarcasm but she didn't. She only glanced at the man next to him.
"Who's that hot chick?" biglang tanong ni Patch sa aking tabi.
Sumipol pa siya ngunit hindi iyon nagtagal dahil sa isang iglap ay nasa harapan na namin ang kasamang lalaki ni Farran at sinasakal si Patch!
"Magnus, stop!" Tumakbo palapit sa amin si Farran.
Napairap ako dahil hawak niya ang magkabila niyang dibdib dahil tumatalbog iyon kapag siya ay tumatakbo.
I really hate that sight, it irritates me.
"Don't you dare disrespect My Lady," the guy named Magnus hissed.
I could see dark shadows lurking behind him. He couldn't be a mere mortal because his aura was strange.
"Is he your boyfriend?" I suspiciously asked Farran.
"No," she firmly answered as she bit her lower lip.
"And fire can't burn," I mocked.
×××××