MABILIS akong lumapit kay Fenna at agad itong hinarap. "Umalis ka nga diyan. Upuan ko 'yan, impakta!" Nawala ang ngiti sa labi ni Fenna. Pansin ko ang pagkuyom nito ng kamao at nakuha pa akong irapan bago padabog na umalis sa aking upuan. Malapad naman akong napangisi. Tsk. Akala niya siguro ay maaagaw niya nang ganoon na lang ang puwesto ko. "Oh boss, bakit ganyan kagulo ang buhok mo? Hindi ka ba nagsuklay?" tanong ni Andro nang makita ang buhok ko. Tamad akong tumango at ibinigay sa kanya ang hawak kong suklay. "Do it for me my bodyguard." Napasimangot naman sa akin si Andro. "Si Terrence ang utusan mo. Hindi ako marunong magsukaly ng buhok lalo na kung kasing haba ng buhok mo!" Hindi ko mapigilan ang hindi mapaasik "Tsk. May tao bang hindi marunong magsuklay ng buhok? Ang sabihin