INIS kong binitawan ang hawak na pala at pinagsipa-sipa. "I can't do this anymore! Damn it! Ayoko na! Ayoko na talaga!" "Kayang-kaya mo 'yan! Ikaw pa ba? Kaya nga idol kita!" ani Andro. Nakaupo silang tatlo sa isang bench chair habang pinapanood ako sa aking ginagawa. Pangiti-ngiti pa silang tatlo. Mukhang masaya pa yata sila sa nangyayari sa akin ngayon. Hays! Sarap nilang pag-untugin! Ito ang unang araw ng punishment ko, kaya narito ako ngayon sa garden ng school habang naglalagay ng dumi ng baka sa mga pananim. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang gagawin ko. Akala ko pa naman magtatanim, hindi ko inaasahan na mag-aabuno pala. This is bullshit! "Hoy gaga, kasalanan mo 'to! Kundi dahil sa'yo wala sana ako rito bruha ka!" sigaw ko kay Darlin na siyang nakaaway ko sa cafeteria at kas