GUSTONG-GUSTO ko nang tumayo at alisin ang nakataklob na kumot sa akin, pero hindi pwede dahil ayokong malaman ni Andro na magkatabi kaming natulog ni Clark kagabi. "Clark! Open the door, sweetheart! It's me, Natasha!" sabi ng maarteng boses ng babae sa labas. Sunod-sunod na napamura si Clark nang marinig ang pagtawag ng babae. "Sige bro, aalis na ako. Goodluck na lang sa'yo," ani Andro, base sa boses nito ay alam kong nakangisi ito ngayon. Maya-maya ay narinig ko na ang pagbukas-sara ng pintuan at ang tunog ng takong papalapit. "Clark sweetheart, I miss you so much! Buti na lang pala nakita ko si Andro at Terrence kaya tinanong ko kung anong room ka!" mapang-akit na sabi ng babae habang papalapit. Hindi ko mapigilan ang mapairap sa ilalim ng kumot. Tsk. Sweetheart my ass! "Why