7:45 P.M. NASA cottage kaming pito habang nakaupo at nakapalibot sa bilog na mesa. Katabi ko si Gwen at Andro habang sina Lexa at Meguil naman ay katabi sina Clark at Terrence. "Guys, ano kaya kung mag laro tayo ng Truth or Dare?" Gwen suggested, tinungga nito ng inom ang hawak na lata ng beer. "Game ako! Pero dapat may wine habang naglalaro tayo," sang-ayon naman ni Andro at itinaas pa ang dalawang bote ng red wine. "Game?" Lexa asked. "Yeah sure," agad na sagot ni Terrence at Meguil. Habang ako ay nakaupo lang at walang kibo dahil bumabagabag pa rin sa isip ko ang ginawa ni Clark kanina. Tama ba namang maghubad siya ng damit sa harap ko? At parang baliwala lang sa kanya na ipunas ang damit niya sa mukha ko. Pero bakit hindi mawala-wala sa isip ko 'yun? Gosh! Ano bang nangyayari