NANG tuluyan nang nailigaw ni Andro ang mga kotseng sumusunod sa amin ay saka lang ako nakahinga nang maluwang. Napabuga ako sa hangin at saglit pang napahaplos sa sarili kong dibdib. Ramdam ko ang lakas ng pagtibok mg puso ko dahil sa sobrang kaba. "Muntik na tayo, gago ka!” Inis kong hinampas ang braso ni Andro. “Ba't mo ako itinaya, ha?!" Pansin ko ang pagngiwi niya dahil sa paghampas ko, ngunit patuloy pa rin sa pagmamaneho. "I'm sorry, Boss. s**t. Huwag mo na akong hampasin, ang hapdi na!" Napatigil naman ako at agad na kumunot ang noo. "Anong mahapdi ang sinasabi mo?” At bakit ganyan ang mukha mo? Para kang natatae na parang iwan?" "Nadaplisan ako ng bala sa tiyan, Boss!” sagot ni Andro nang nakangiwi pero nanatiling nakatutok sa kalsada ang tingin. Nanlaki ang mga mata ko