“Isa’t kalahating milyon sa loob ng isang buwan???” Tila nababaliw nang kausap ni Izzy sa sarili habang mabagal na tinatahak ang maliit na eskinita kung nasaan nakatayo ang maliit nilang kubo. Mayamaya pa ay agad rin siyang napa nguso nang maalala ang huli nila pinag usapan ni Seth Santiqago kanina. “Saang kamay ng diyos ko naman kukunin ang ganoong pera? Naku naman kasi Isabel Vergara, ang yabang-yabang mo pa kanina habang kausap mo ang hudas na iyon, iyan tuloy ang napala mo.” Patuloy na pagkausap niya sa sarili sabay napa padyak dahil sa pangungunsumi. Kung bakit ba naman kasi sa dami ng tao sa mundo sa taong tulad ni Seth Santiago pa siya nanghingi ng tulong? Tuloy ngayon ay alam na alam niya nang mapapa hamak siya kapag lumipas ang isang buwan at hindi pa rin siya nakakapag bayad