Araw ng sabado, walang pasok si Izzy sa eskwela ngunit kahit ganoon ay maaga pa rin siyang nagising. Mag a-alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay nakaligo na siya’t handa nang umalis para mag punta sa coffee shop kung saan siya nag ta-trabaho. Kaya lang palabas pa lamang sana siya ng bahay ay nakatanggap na siya agad ng text mula sa kaibigan at kasamahan sa trabaho, si Gina. Magandang umaga, duty ako ngayon at alam kong gising ka na, pinapasabi ni boss na hindi ka daw muna papasok ng ilang araw at huwag kang mag alala, bayad ang leave mo. Agad napasimangot si Izzy nang mabasa ang text message na iyon, kung sa ibang tao marahil malamang sa hindi ay nag tatalon pa sa tuwa na nabigyan ng ilang araw na bakasyon at bayad pa, pero hindi ibang tao si Izzy. Mas gugustuhin niya pang magpaka