Hindi maipinta ang mukha ni Seth habang inis na hinihintay ang babaeng ipinasundo niya pa sa driver niyang si Robert. Naka ilang ulit na rin siyang sumilip sa suot na mamahaling relo sabay mapapa iling sa tuwinang makikita ang oras. Masyado nang late para makipag kita pa sa babaeng iyon, whatever reason that Isabel Vergara has for her to be ignoring his calls all through the day must be valid enough for his content. Malakas na napa buga ng hangin si Seth bago pabagsak na naupo sa pang isahang sofa sa kanyang sala, inis niya ring dinampot ang baso ng whiskey na nasa center table, nagawa niya pa iyong paikutin sa kamay bago inisang lagok ang laman niyon. If one would ask him why on Earth he wanted to see that woman this late, Seth wouldn’t know the answer, ano nga ba naman kasi ang meron