Mariin na lamang na napa pikit si Izzy dahil sa labis na kahihiyan nang makita ku ng paano siyang tawanan ni Seth Santiago. Sino nga ba naman kasi ang niloko niya? Kahit naman may dala siyang pera ngayon, malamang sa hindi ay pinaka malaki na ang limang daan. At sigurado rin siyang alam iyon ni Seth Santiago, malamang rin ay pinagtatawanan siya nito ngayo dahil doon o hindi kaya naman ay baka iniisip nitong napaka hilig niyang mangutang. Hindi naman ito masisisi ni Izzy, kamakailan lamang ay nagawa niya nang lkumamit dito para sa pera, ngayon naman ay nangungutang siya para pambayad sa pagokain ito naman ang may order. Napanguso na lamang si Izzy sa isiping iyon saka napasimangot sa lalaki. “Huwag mo na akong tawanan, pwede ba? Kasi naman eh wala naman kasi talaga akong pambayad dito,