Jheanne's Pov
Sinundo kami ni Mommy Anne sa condo ko. Siya ang napagbuksan ni Ubi kanina. Ang akala raw nito ay may nangyayaring hindi maganda kaya kaagad siyang nagpahatid dito. Well, may mangyayari talaga sana sa pagitan namin ni Ubi kung hindi dumating si Mom!
Mabuti na lang dumating si Mommy kaya hindi natuloy ang paghalik sa akin ni Ubi.
My god!
Speaking of him, napatingin ako sa kaniya. Nakaupo siya sa tabi ni Dad at tahimik na kumakain. Alam mo iyon, isa siyang pulubi pero kung umasta ay napaka-professional. Hindi ko tuloy maalis ang mga mata ko sa kaniya. Nawiwili akong pagmasdan siya.
"Hija, hindi mo ba nagustuhan ang mga niluto ko?" nag-awtomatikong lumipat ang titig ko kay Mom.
"Hindi ka mabubusog sa paninitig mo na iyan, anak." Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi sa makahulugang sinabi ni Dad. Pakiramdam ko tuloy ay nag-iinit ang magkabila kong pisngi dahil nasa akin ang mga tingin nila.
Tumikhim ako at pinalabas ang napakaganda kong ngiti. Una kong binalingan ay si Mommy. "Masarap po ang mga foods na inihanda mo, Mom. Kaya nga po ako napatulala eh!" Pero hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang putulin ako ni Dad.
"Sa pagkain ka ba talaga natutulala, anak? O diyan sa fiancé mo?"
"Dad!" nanlalaki ang mga matang suway ko sa kaniya sabay baling ko kay Ubi. Nakatingin ito sa akin at may ngiting sinusupil sa labi. Inikotan ko ito ng mga mata at inirapan pa.
Natawa naman sina Dad at Mom sa inakto ko.
"You know what baby? Mas bagay pa kayo ni Ubi kumpara doon sa dati mong fiancé. Alam mo una palang ay wala na akong tiwala sa pagmumukha ng lalaking iyon, hindi lang talaga kita matiis kaya tinanggap ko siya. Kaya sana naman sa pangalawang pagkakataon na ito ay hindi na mauulit iyon, hindi na mauulit na masaktan ka." Kamuntikan na akong mabulunan sa binanggit ni Dad. Hindi ko magawang sumagot dahil nalulon ko ang dila ko sa hindi inaasahang binigkas niya. Binalingan pa nito si Ubi, "Makakaasa ba ako doon, Ubi?" seryusong tanong nito.
Both Ubi and I staring at each other. Ako na nangangapa ng isasagot at siya na hindi ko alam kung ano ang isasagot kay Dad. Pakiramdam ko ay may bagay na bumara sa lalamunan ko at dumaloy iyon sa dibdib ko dahilan upang hindi ako makahinga ng maayos. Ganoon talaga siguro kapag niloloko mo ang isang tao. Hindi ka makahagilap ng isasagot dahil alam mo sa sarili mo na niloloko mo lang sila. And yes, itong pagpapanggap namin ni Ubi ay isa itong panloloko. Hindi lang mga magulang ko at mga tao sa paligid ang niloloko namin kundi pati ang mga sarili namin, mismo.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko na kinaya na makaharap ang mga magulang ko na seryusong naghihintay sa isasagot namin ni Ubi, tumayo ako at nag-excuse na magbabanyo muna ako. Pagkarating ko sa loob ng banyo ay kaagad kong ni-lock ang pinto at napahagulhol ako ng iyak.
"I'm so sorry mom..dad..." nasambit ko sa mahinang tinig.
Binigyan ko sila ng pag-asa na mapupunta lang sa wala. Umaasa sila na may kasal na naman na magaganap ngunit ang totoo ay palabas lang ang lahat dahil sa sarili kong ambisyon na makaganti kay Hugo! At nakokonsensya ako, big time!
Matapos kong iiyak ang sama ng loob ko para sa sarili ko ay nagpasya akong lalabas. Pagkarating ko sa dining ay tahimik silang tatlo. Hindi ko alam kung ano ba ang isinagot ni Ubi kay Dad at Mom tungkol sa tanong na iyon kanina. Wala na rin akong panahon pa na itanong pa iyon. Umaasa rin ako na sana ay wala nang itatanong pa ang mga magulang ko tungkol sa amin ni Ubi dahil hindi ko na alam kung hanggang kailan ako magsisinungaling sa harapan nila.
"Finish your food, baby." ani sa akin ni Mom nang makabalik ako sa upuan ko kanina.
"Busog na po ako, Mom. Ang totoo po niyan ay inaantok na ako. Ayain ko na po sana si Ubi na umuwi na." wika ko at sinadyang pang hinaan ang boses.
"But you didn't eat well, baby. Wala ngang bawas iyang pagkain mo sa plato eh," komento naman ni Dad.
"Hmm...puwede po i-take out ko na lang? Look, Mom and Dad, kanina pa po talaga ako inaantok nang umuwi kami ni Ubi galing ng pamamasyal eh. Bawi na lang po ako next time please...?" Nilambingan ko ang boses at pinasilay ang maganda kong ngiti habang pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa.
"Sure, baby, no problem! Teka lang at ipagbabalot kita ng mga pagkain." Tumayo si Mom at nagtungo sa kusina upang kumuha ng mga plastic container.
Si Dad naman ay nakatingin sa akin. Nginingitian ko siya, paraan ko iyon para hindi niya mabasa ang lungkot sa mga mata ko. Umiyak ako kanina kaya baka mapansin niya ang pamumugto ng mga mata ko.
"You okay, baby?" tanong ni Dad sa akin.
Mabilis naman akong tumango, "Of course dad. Okay lang po ako, don't worry about me."
Mukhang napaniwala ko naman siya. Hindi na siya nagtanong pa ulit bagay na pinagsasalamat ko. Mahirap na baka magkaroon ng sariling bibig ang bibig ko at aminin nito kay Dad ang totoo.
Nang bumalik si Mom ay dala na nito ang isang supot. Iniabot nito iyon kay Ubi at tinanggap naman ito ng huli.
"Next time na natin pag-usapan ang tungkol sa kasal anak. Sa pagbalik niyo na lang ulit ni Ubi." alanganin akong napatango sa naging pahayag ni Mom.
Isa pa ito, ang tungkol sa kasal! Hindi papayag si Mom na hindi siya ang mag-aasikaso nito. Katulad noong una, siya rin ang nag-asikaso ng lahat. Kung may ginawa man ako, iyon ay ang pumili lang mga desensyo na pinagkasunduan namin ni Hugo.
"Sure, po Tita. Pag-iisipan pa namin ni Jheanne ang tungkol dito. Sa ngayon po ay wala pa naman kaming date na naiisip. At kapag mayroon na po ay sasabihin namin kaagad sa inyo ni Tito nang sa ganoon ay mapaghandaan natin ang lahat." Napabaling ako kay Ubi nang hapitin niya ang bewang ko. Seryuso itong nakatingin sa mga magulang habang nakayakap ang braso niya sa akin.
Iniwas ko ang titig sa kaniya at ibinaling iyon kay Mom and Dad.
"Yes po, Mom and Dad. Pag-iisipan po muna namin ni Ubi ang lahat." saad ko sa kanila.
Bumalik kami ni Ubi sa condo na walang imikan. Ni hindi ko siya magawang pansinin. Nakokonsensya rin ako dahil maging siya ay ginagamit ko dahil sa sariling ambisiyon. Aminado ako sa sarili ko na kung wala si Ubi, na kung hindi siya dumating sa buhay ko ay malamang hanggang ngayon ay nagmumukmok pa rin ako sa aking silid at iisipin nalang ang kagagaguhang ginawa ni Hugo at ng bestfriend ko.
"Are you okay? Kanina ka pa walang imik." narinig kong tanong ni Ubi sa akin. Kakapasok lang namin sa loob ng condo.
Pabagsak kong inihiga ang sarili sa sofa bago siya sinagot. "Hindi ako okay, Ubi. Nakokonsensya ako sa mga pinanggagawa ko. Pinagloloko ko lamang ang mga magulang ko, ikaw at higit sa lahat ang sarili ko." Napahikbi ako. Tinakpan ko gamit ng dalawang palad ang aking mukha. Ayaw kong makita niya na umiiyak ako.
Nakatayo siya sa paanan ko at nakatitig sa akin.
"Ginusto mo naman ito 'di ba? Ano, titigil na ba natin ito?" malumanay na tanong niya sa akin. At sinundan pa iyon, "Bakit, mahal mo pa rin ba siya?Kaya mo ba nasasabi na pinagloloko mo lang ang sarili mo sa pagpapanggap na ito ay dahil mahal mo pa rin siya?"
Natigilan ako sa naging tanong niya. Inalis ko ang mga palad na nakatabon sa mukha ko at tiningnan si Ubi. Seryuso siyang naghihintay ng isasagot ko.
"H-Hindi naman kaagad nawawala ang pagmamahal, Ubi, lalo't noong isang araw lang nangyari ang lahat..." Bumangon ako at naupo. Napatingin ako sa lapag at natulala. "Walong taon kami naging mag-nobyo, Ubi, at noong isang araw lang nangyari ang pag-iwan niya sa akin sa harapan ng maraming tao kaya ano ang aasahan mo sa isasagot ko? Na naka-move on na ako kaagad, ganoon?" naiiyak kong wika rito.
Napabuntonghininga siya sa naging sagot ko. Naramdaman ko rin ang paglundo ng sofa, marahil ay naupo na ito doon.
"Then para saan itong ginagawa natin ngayon kung mahal mo pala siya? At kung mahal mo, bakit hindi mo ipaglaban?"
Mapait akong ngumiti, "Hindi ko alam, Ubi. Ang alam ko lang ay gusto kong makaganti sa kaniya. Na ipapakita ko sa kaniya na kaya ko rin ang ginawa niya..."
"At bakit hindi mo ipaglaban?" ulit niyang sabi sa matigas na tinig.
Tiningnan ko siya ng tuwid. "Dahil hindi lahat ng minamahal ay puwede mong ipaglaban, Ubi. Katulad ko, mas pipiliin kong gantihan siya kaysa ipaglaban dahil unang-una sa lahat ay iniwan niya ako sa ere at sumama siya sa iba kaya hindi siya karapat-dapat ipaglaban." sambit ko.
"At ang gantihan ang nararapat?" saad niya.
Muli ay mapait akong napangiti. Para sa akin ay oo, para maramdaman niya rin ang sakit na ginawa niya sa akin.
"Oo, Ubi. Iyon ang paraan ko para makaganti sa kaniya."
Tumango-tango siya.
"Paano kung hindi tayo magtagumpay? Paano kung ayaw ko na ituloy ito?"
Napatuwid ako ng upo sa naging sagot niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at kinuyom ang kamao. Sinalubong ko rin ang mga titig niya.
Paano nga ba kung hindi kami magtagumpay? Paano kung walang mangyayari sa palabas na ito? Paano kung wala namang pakialam si Hugo sa mga palabas kong ito? Edi parang niloloko ko lang talaga ang sarili ko!
Naipikit ko ang aking mga mata ng mariin. Pakiramdam ko ay punong-puno ang utak ko ng maraming katanongan. Hindi ko alam kung paano iyon sasagutin. Nang magmulat, ang tanging naisip ko ay iyon ang inilabas ng bibig ko
"Mananatili itong palabas lang, Ubi. Hanggang doon lang iyon, at sana'y huwag mo naman akong iwan. Ako ang bahala sa lahat ng gusto mo basta't ituloy mo lang ang pagpapanggap bilang fiancé ko." Paki-usap ko sa kaniya. He was staring at me seriously. Then I saw a glimpse of his smile.
Isa sa mga dahilan ko kung bakit gusto ko itong ituloy ay dahil kampante ako na kasama siya. Nakakaya ko ang bawat araw dahil nariyan siya sa tabi ko at may nasasandalan ako. Kahit ito'y palabas lang ay umaasa ako na hindi niya rin ako iiwan sa ere gaya ng ginawa ni Hugo.
Nang tumango siya ay napangiti ako. Hindi ko rin napigilan ang sarili na yakapin ito.
"Salamat, Ubi!" sambit ko sa pagitan ng pagyakap ko sa kaniya. Gumanti rin siya ng yakap sa akin. "At dahil diyan, magbabakasyon tayo sa Cebu, Ubi!" pahayag ko.
Naramdaman kong natigilan siya sa aking binanggit. Hindi ko alam kung tungkol ba iyon sa bakasyon o sa lugar na tinutukoy ko. Pero hindi ko na iyon tinuunan pa ng pansin. Hinila ko siya papasok sa silid ko upang mag-impake ng aming mga gamit na dadalhin. Dahil naka-leave ako sa trabaho ay mahaba-habang bakasyon ang magaganap. At makakasama ko si Ubi, sa lugar na gustong-gusto kong pasyalan.
Ang Cebu city.