CAMILLA Mabuti na lang at warm pala ang temperature sa loob ng hotel room na pina-book ng asawa ko. Malapit lang naman ang byahe namin mula sa kung saan kami bumaba sa cable car. Mga five minutes nga lang pero grabe ang epekto sa akin dahil kahit sa loob ng kotse ay nakabukas ang aircon. Suot ko na nga ang coat ni Jared pero siguro dahil hindi ako sanay sa malamig na klima ay nangatog talaga ang buong katawan ko. "Gusto mo bang gumamit ng sauna para hindi ka lamigin?" tanong ni Jared na binaba sa lapag ang dala namin. Hinatid ng bodyguards niya kaya ngayon lang nakarating dito dahil agad na hinatak niya ako papasok ng makita na nilalamig talaga ako. "Huwag na, ayos lang ako," tanggi ko. "It will help you a lot, sweetheart. Mawawala rin ang sakit ng katawan mo kapag pinag-pawisan ka," s