CAMILLA Tahimik na ang silid pero alam kong nasa labas pa rin ng pintuan si Jared. Hindi nga ako nagkamali dahil malakas na kumatok ulit siya habang ako naman ay hindi malaman kung ano ang gagawin dito sa loob ng shower room. Nakaligo na ako habang nakatayo at pinakikiramdaman siya sa labas. Suot ang makapal na roba at may nakabalot na puting tuwalya sa ulo na nakaupo ako at hinihintay na mabuksan niya ang pintuan. He was determined, nararamdaman ko iyon sa kung paano niya ilang ulit na sinipa ang pintuan habang frustrated na tinatawag ang pangalan ko. Alam ko na gagawin nito ang banta niya sa akin kapag nakapasok siya kaya nag-isip ako ng paraan para isalba ang sarili ko. Tama nga ang naisip ko dahil minuto lang nasira at nabuksan niya ang pintuan. Naupo ako sa sulok kunwari hawak ang