CAMILLA Magkatuwang kaming nagligpit ni Jared ng mga pinagkainan namin. Ako ang naghugas siya naman nagdala ng mga hugasin sa lababo at maglinis ng mesa. Nakakatuwa, ngayon ko mas na appreciate ang effort niya para maging maayos ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa at ako naman pakiramdam ko ay normal ang lahat. Alam ko na kung sakaling ganito kami nagsimula ni Jared at hindi niya ako dinaan sa dahas at madaliang kasal, posibleng natutunan ko agad siyang mahalin at naging maganda pa sana ang simula ng relationship namin dalawa. "Tired?" tanong ni Jared na yumakap sa bewang ko mula sa likuran ko habang nagbabanlaw ako ng kamay. "Hindi, pero hindi ka pwedeng basta yumayakap sa akin," seryoso na sabi ko. "Sorry po, na miss kasi kita ng sobra, sweetheart e," malambing na bulong nito