CAMILLA A mouth watering dinner ang nakahanda sa harap ko. Ang ganda rin ng arrangements na obvious na pinaghandaan ng lalaking katabi ko. Siya na rin naglagay ng kanin sa pingnan ko pati na rin ng beef na may halong patatas at broccoli. Wow, these garlic butter steak bites are out of this world! The steak is juicy, tender, and rich, and it’s served with crispy potatoes and sautéed broccoli. Ang sarap, malinamnam at talagang nalalasahan ko ang richness ng karne ng baka. Ito yung sinasabi nilang sauce pa lang, ulam na. "How is it, sweetheart?" excited na tanong ni Jared. "Delicious," agad na sagot ko pagkatapos ay napakurap ng makitang kumislap ang mga mata niya at lalong lumaki ang pagkakangiti ni Jared. Sh!t! Nakalimutan kong may deal nga pala kami nito. Ang hirap kayang magsinungal